EB mahirap nang pantayan
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 2, 2019 - 12:00am

Ipagdiriwang ng Eat Bulaga ang 40th anniversary nila sa buong month of July.

Mahirap nang mapantayan at malampasan ang achievement ng Eat Bulaga na umabot ng 40-years sa ere at sigurado na magtatagal pa.

Marami na ang mga artista na sumikat na nagsimula ang career sa Eat Bulaga bilang mga contestant gaya nina Alice Dixson, Camille Prats, Gladys Reyes, Aiza Seguerra, Ryza Mae Dizon, Jericho Rosales at marami pang iba.

Kung hindi pa nag-post si Julie Anne San Jose ng throwback video, hindi malalaman ng mga tao na sumali rin siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 1998.

Former contestant din ng Little Miss Philippines si Pauleen Luna. Paslit na paslit si Pauleen nang mag-join sa beauty pageant ng Eat Bulaga at walang nag-akala na darating ang araw na siya ang pakakasalan ni Bossing?

Nag-promise ang Eat Bulaga na bonggang-bongga ang 40th anniversary celebration nila kaya dapat manood araw-araw dahil sa mga pasabog na sorpresa gaya ng house and lot na kanilang ipamimigay.

Gary, Randy, Dingdong at Ogie may concert

May binabalak na concert ang La Salle boys na sina Gary Valenciano, Randy Santiago, Dingdong Avanzado at Ogie Alcasid.

Bongga ang feeling kapag nagiging sikat na celebrities ang mga ka-alumni dahil ready sila na tumulong kung kailangan ng pondo ng kanilang alma mater.

Maganda naman talaga ang ginawa ng La Salle sa Kundirana dahil na-train nang husto ang mga estudyante nila na interesado sa music.

Masuwerte nga sila dahil naging mga top singer ng bansa sina Ogie, Randy, Dingdong at Gary. Tiyak na music overload ang Green & Go benefit concert dahil mga sikat na mang-aawit ang performers. Sulit na sulit ang ibabayad ng mga mano­nood para sa isang show na may worthy cause.

Ang FilOil Flying V Centre sa San Juan City ang venue ng Green & Go sa July 6 at mag-uumpisa ito ng 8 pm.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with