^

Pang Movies

Fans nakaabang sa kasal nina Angel at Neil

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Fans nakaabang sa kasal nina Angel at Neil
Angel, Neil

Happy ang lahat dahil engaged na si Angel Locsin sa kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Thirty four-years-old na si Angel kaya na sa legal age na siya para lumagay sila ni Neil sa tahimik.

Sino ang mag-aakala na ang dating magkabarkada, sila pala ang magkakatuluyan?

Bago pa naging movie producer si Neil, kilala na siya sa showbiz dahil ex-boyfriend siya nina Maxene Magalona at Bela Padilla.

Ang akala nga ng fans, si Bela ang makakatuluyan ni Neil pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Affected si Neil ng break up nila ni Bela pero hindi nagtagal ang pangu­ngulila niya dahil dumating sa kanyang buhay si Angel na single din mula nang makipaghiwalay kay Luis Manzano.

Ngayong engaged na sina Neil at Angel, ang announcement ng kanilang wedding day ang hinihintay ng fans na genuinely happy para sa aktres na iniidolo nila.

Vic at Coney modern family ang peg

Ang gandang tingnan na magkasama sina Vic Sotto at Coney Reyes sa oathtaking ceremony kahapon ng kanilang lovechild na si Vico Sotto.

Hindi man naging forever ang relasyon nina Vic at Coney, nananatili sila na magkaibigan at basta para kay Vico, nag-uusap ang dalawa.

Modern family sina Vic at Coney. Nakakatuwa na magkakasundo ang kanilang mga anak. Very close si Vico sa kanyang half-siblings na sina Danica, Oyo at Paulina na happy sa success niya sa politics.

Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Vic na may anak na siya na mayor ng Pasig City. Mula sa political clan si Vic pero hindi siya nagkaroon ng interes na pumasok sa public service. Tanging ang kanyang kapatid, si Senate President Tito Sotto, ang anak niya na si Vico at ang mga pamangkin na sina Gian, Lala at Wahoo ang naging mga public servant.

Harapin agad ang issue…

May nakuha na naman ako na aral sa misa kahapon. Hindi pala confrontational ang isang tao kapag tinanong niya ng diretsahan o straight ang tao tungkol sa ikinakalat nito na balita na laban sa kanya.

Dapat pala, kapag may narinig ka o nakarating sa’yo na hindi maganda na balita, itanong mo agad sa source para sa umpisa pa lang, clear na ang issue.

Hindi pala nararapat na delayed ang pagsasabi ng thank you, sorry at ang paglilinaw ng isyu dahil kapag pinagtagal ito, lalong mabigat sa pakiramdam.

May friendship na open kayo sa isa’t isa at at hindi mo binibigyang malisya kung ano sabihin ng kaibigan mo pero may mga tao na medyo hindi open sa pagtanggap ng biro kaya nalalagyan ng ibang meaning ang mga sinabi na hindi naman dapat kaya mas mabuti na i-clear out agad dahil kapag pinatagal ito, pati ang nagkuwento, nalimutan na ang sinabi at puwede pa na mag-deny.

Mas maganda na harapin agad ang isyu dahil ito nangangahulugan ng pagiging confrontational. Gusto lang ng tao na involved na maayos ang problema.

Totoo rin na iba’t iba ang level of friendship at iba-ibang percentage din ang binibigay natin na trust sa tao kaya kung talagang uneasy tayo at medyo mabigat sa atin, i-clear it out at say it loud para mawala ang mga doubts o pag-aalinlangan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with