Heart over your head or mind over your heart?

Natandaan ko Salve ang linya sa isang Koreanovela na napanood ko, ang ‘Not because you cried the loudest, you are more sad than the one who cry in silence’ at ang ‘If you cannot love or respect me, just be grateful’. Ang ganda ‘di ba?

Ang akala kasi natin, ang nagpapakita ng sakit ang mas nasasaktan dahil ang pagmamahal at respeto lang ang importante.

Pero mahalaga rin ang pagtanaw ng utang na loob sa mga tao na nagmahal sa iyo.

Sabi nga, mas matindi ang emotional investment kesa pera dahil ang pera mas madaling kitain pero mabilis rin na maubos.

Ang emosyon, matagal na dinadala sa puso at utak. Hindi basta nalilimutan ang isang bagay na pag-aari mo, naging mahalaga sa ’yo.

The more you love it, the more na you hate losing it kaya nga sa hiwalayan, hindi lang ang separation anxiety ang nararamdaman, may konting galit na bakit kailangan mawala ito at bakit hindi puwedeng maging akin ito forever?

Hindi rin maintindihan who really rules, heart over your head, or mind over your heart? Kahit ano pa gamitin mo, puso o utak, kapag nasaktan ka, mararamdaman ng buong katawan dahil ito talaga ang that matters, the pain.

PNP may pa-clean up drive

Parang gusto ko nang maniwala na nagkakaroon ng clean up sa Philippine National Police. Madalas ko nang nababasa na may mga pulis na nahuli dahil sa pangongotong, extortion at pagtanggap ng suhol.

Ayoko ko talaga na masira ang tiwala ng mga tao sa mga pulis dahil sila ang takbuhan kapag kailangan natin ng tulong. Sila ang persons in authority para magprotekta sa atin.

Lumaki ako sa Sampaloc na parang magulo noon dahil sa mga gang war kaya kinatatakutan ang lugar namin.

Pero lumaki ako na may paggalang sa mga pulis ang mga tao dahil sila ang kinatatakutan ng mga siga.

Lumaki ako na naririnig ko na sige ka isusumbong kita sa pulis kaya malaki ang tiwala at respeto ko sa men in uniform.

Ngayon, parang hindi na ganoon ang tingin sa kanila dahil sa mga anomalya na kinasasangkutan nila. Sana maibalik ang respeto at tiwala sa mga pulis, lalo na ngayon na isa nang senador si former PNP Chief Ro­nald “Bato” dela Rosa.

Brand ambassadors ng mga produkto, hindi dapat paiba-iba

Ang branding at marketing ang talagang panlaban sa kahit ano na produkto.

Kapag nasa utak ng consumers ang isang brand, mahirap nang burahin.

Like sa mga energy drink, ang Milo ang unang naiisip ng mga tao, Colgate naman sa toothpaste at Belo, Flawless at Kamiseta Skin kapag gusto mo na gumanda.

House of Obagi kung medyo top of the line ang taste mo. Siyempre sa shirts, Bizaare, Bench at Dickies lang kilala ko.

Sa baby wipes at adult diaper Cherubs at Grand ng MegaSoft ang hanap ko. Kung products na pampaganda, Beautederm at collagen drink IVI Meth lang gusto ko.

Of course, nakakatulong ang mga endorser sa mga produkto dahil convincing naman ang kanilang sales pitch pero lately, nalilito ang publiko kapag nakita nila ang isang celebrity endorsing this tapos mamaya iba na.

Nagtataka at nagtatanong sila ng ‘Ha? Ano ba talaga ang gusto niya?’

Either, iisipin nila na hindi maganda ang unang produkto na ini-endoroso ng celebrity o baka sinungaling ito.

Kailangan na maging maingat din sa pagkuha ng mga brand ambassador. Dapat isipin kung makaka­tulong ba sila o hindi sa produkto na ibinebenta. Dapat, credible at convincing na endorser ang mga kinukuha dahil sila ang nagiging mukha ng mga produkto.

Show comments