Camille at mister, nakaka-in love ang kuwento
VJ & Camille
Camille at mister, nakaka-in love ang kuwento
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 30, 2019 - 12:00am

In less than three weeks ngayong Hulyo nakatakdang iluwal ni Camille Prats ang second girl nila ng second husband niyang si VJ Yambao.

Ang kanilang elder daughter na si Nala ay more than a year-old. Lalaki naman  ang panganay ni Camille sa kanyang late husband na si Anthony Linsangan, si Nathan, now turning 10 years old.

Teenager naman na ang anak ni VJ with his first wife na si Isaiah or, Ice for short.

Ang ganda ng kuwento ng pag-iibigan nitong sina Camille at VJ. Well, na ibinunyag nila bago sila ikinasal more than three years ago.

They were schoolmates in their elementary grades. Then, VJ, with his family, had to leave for the U.S.

When he came home, single na siyang muli, habang isang widow naman si Camille na bukod sa pagiging artista ay pinamamahalaan din ang pre-school ng kanilang pamilya, the Divine Angels Montessori of Cainta, located sa Cainta Village East Executive Homes.

To make the story short, nagre-acquaint sina Camille at VJ. And the next thing they knew, they fell in love.

Both are in their early 30s.

Lea at Kris may something in common

Guess, Salve A., what Lea Salonga at Kris Aquino have in common?

Answer: Parehong brand ng soap na panlaba ang ginagamit ng kani-kanilang labandera.

No need to tell you kung anong brand of labandera soap ito.

Mikee Romero gagawa ng batas para sa safety ng mga artista

When the late Eddie Garcia’s stepson, Mikee Romero, starts work as a Party List representative, ang unang bill diumano niyang iu-author ay may kinalaman sa safety at health standards, yes, ng mga artista, habang nagsu-shooting sila.

Posible raw na tawagin itong The Eddie Garcia Law.

Matatandaang Eddie figured in an accident habang nagsu-shooting sa series na pagbibidahan sana ni Kapuso actress na si Gabbi Garcia, ang Rosang Agimat.

Huwag na nating ungkatin pa ang detalye ng accident. Dapat nang may natutunan ang lahat, lalo na ang mga executive at manggagawa ng telebis­yon, sa ‘di inaasahang malagim na aksidenteng naganap kay Eddie.

From us na mga taga-showbiz, thanks in advance Congressman Mikee.

Andi wala sa isip ang kasal

Walang comment si Jaclyn Jose sa desisyon ng anak na si Andi Eigenmann na magkaanak muli minus the benefit of marriage.

Andi’s elder daughter, Ellie, is now seven years old. The girl’s dad is Jake Ejercito, anak nina former President / Manila Mayor Joseph Estrada at ng former actress na si Laarni Enriquez.

Obviously ang mahalaga kay Jaclyn ay kinikilala ni Jake na anak niya si Ellie. Na siyang nangyari, noong ipinanganak niya si Andi, na married din sa ibang babae ang amang si Mark Gil, na, of course, sumakabilang buhay na.

Actually, ‘di lang si Mark ang kumilala kay Andi sa kanyang pamilya, kung hindi ang buong angkan ng Eigennman.

No wonder, Andi carries her family name, Eigenmann, with pride.

In the case of Andi’s second baby, na isang babae muli, hindi lang kinikilala ni Philmar Alipayo ang bata bilang kanyang anak. Willing din siyang pakasalan si Andi, anytime na gustuhin na nito.

Andi, though, said, hindi siya ready for marriage. Bagama’t acting like a wife na siya kay Philmar.

Dito sa Manila raw manganganak si Andi, which could happen anytime soon.

May binabalak daw silang negosyo ni Philmar sa Siargao kung saan niya balak tumira. Kasalukuyan silang nagpapatayo ng building which they will make available to tourists as “bed and breakfast”.

CAMILLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with