Marian balik na sa pagkayod
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

Kahit nagpapasuso pa

Nagkaroon na ng first public appearance si Marian Rivera kahapon sa Exhibition Hall ng SM Megamall.

Para sa Kultura event ang okasyong dinaluhan ni Yan na very supportive sa kanya, buntis man o hindi.

Ngayong July na rin kasi babalik sa Sunday Pinasaya at Tadhana hosting si Ma­rian more than a month matapos niyang ipanganak ang bunsong si Ziggy.

Gaya ng ginawa sa panganay na si Zia, nagpapadede pa rin siya sa bunso nila ni Dingdong Dantes. Pero sanay na siya sa pagiging ina kahit mas malikot ang bunsong lalaki.

Ruffa pinapayuhan na agad ang mga anak tungkol sa lalaki

Dumalo si Ruffa Gutierrez sa ‘AVON Foundation Vital Forces’ forum tungkol sa gender-based violence bilang bahagi ng kanyang birthday celebration (last June 24).

Ayon sa tweet ni Ruffa, nakipag-partner ng foundation sa, “Forces Against Violence, a three-day workshop which  brings together entrepreneurs, stakeholders, law makers, advocates at survivors to help end gender-based violence in our country.”

Sa sumunod na tweet ni Rufing, aminado siyang hanggang ngayon, “I’m still afraid of my ex-husband,” kaya hinikayat niya ang mga biktima na magsalita.

“Speak out...reach out to your family and friends. Share your story. You are not alone,” tweet pa niya.

Kaya naman sa isang interview sa TV host-actress, pinayuhan niya ang mga anak na sina Lorin at Venice na huwag maging dependent sa kahit na sinong lalaki, huh!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with