^

Pang Movies

John laging solo frame sa Probinsyano

Vir Gonzales - Pang-masa
John laging solo frame sa Probinsyano
John Arcilla

MANILA, Philippines — Nakakahanga si John Arcilla, nag-iisa lamang siya pero nalulusutan niya ang matitinik na kalaban na grupo nina Coco Martin at Baron Geisler sa mga eksena ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Patakbo-takbo at patingin-tingin lamang siya sa mga eksena. Alak ang tanging nagpapalakas kay John para malabanan ang mga kalaban. Mapapansin na solo frame siya samantalang nagsisiksikan naman sina Coco at Baron sa kanilang mga eksena.

Ibang klase talaga ang drama ng nalalabing bigating kontrabida na naiwan nina Edu Manzano at Jhong Hilario maging ng yumaong si Eddie Garcia.

Anyway, sobrang apektado naman ang cast/stuntmen ng nasabing serye. Nakakuwentuhan namin ang mga ito at hindi rin nila mapigilang mapaluha sa sinapit ng aktor. Mabait daw kasi ito at talagang hindi maramot.

John nasasayang ang talent?!

Sana raw sa susunod na assignment na serye ni John Estrada sa GMA ay yun namang seryoso hindi katulad sa Kara Mia na ang kalaban niya ay isang lalaking galing sa loob ng punong kahoy na si Iswal played by Mike Tan.

Nauna na siyang gumanap sa Victor Magtanggol. Sa simula ay seryoso ang role ng aktor pero ‘di nagtagal ay nauwi sa romantic comedy.

Magaling na aktor si John. At sayang naman kung hindi niya magagamit ang talent niya sa drama.

Ganun din sina Glydel Mercado at Carmina Villaroel na pulos irapan. Lagi silang nagseselosan at nag-aaway sa Kara Mia. Magaling silang artista pero hindi masyadong napapansin dahil sa kawalan ng challenge.

Quezon’s Game sa award’s night babawi

Sayang ang pelikulang worth seeing pa naman, ang Quezon’s Game. Parang hindi man lamang ito napansin.

Wala itong masyadong ingay gayung ang galing ni Raymond Bagatsing. Tiyak babawi sila sa gabi ng award’s night. Kaya lang ang tanong, alin ba ang higit na importante award o pila sa takilya?

Nora pinarangalan sa Zambales

Aktibong-aktibo na naman ang mga Noranian. Imagine, sa gabi ng Subic Bay Film Festival ay dumagsa ang Noranians dahil napiling Philippine Cinema Icon ang idolo nilang si Nora Aunor. Binigyan ng parangal ng mga organizer na sina Mr. Vic Viscocho, Jr. at Direk Arlyn Dela Cruz.

Malayo man ito ay nakisaya ang Noranians sa pagtanggap na ito ng award.

Samantala, may bagong pelikula si Nora, ang Ninang Corazon ng blankpage production na kasalukuyang pinaghahandaan tatlong taon ding walang movie si guy at balitang ilalahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Happy Birthday…

Birthday greetings to June born celebrants na sina Narvacan Mayor Chavit Singson, Julie Yap Daza, Biboy Arboleda, Jodi Sta Maria, Joel Torre, Rey Rholdan Ledesma, Nina Zaldua Raymundo, Jojo Alejar, Benny Baluyot, Dindo Balares, Eddie Littlefield, Ryan Fuentes, Junios Bondoc, Restie Umali at Rachel Ann Wolfe.

 

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with