^

Pang Movies

UAE interesado sa Miss U?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Proud na proud daw ang mga Pinoy Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Arab Emirates, nang bago pa ang Philippine Independence day last June 12, ay inilagay na ang Philippine National Flag sa tallest building sa Dubai, ang Burj Khalifa.

Nadagdagan ang kasiyahan ng mga Pinoy nang mismong June 12, nakita naman ang napakalaking photo ng ating 2018 Miss Universe Catriona Gray sa itaas ng Dubai Festival Mall LED Show para sa 121st Independence Day Celebration.

May nag-caption na ginawa raw iyon dahil gusto ng UAE na sila ang mag-host ng Miss Universe 2019, pero hindi naman iyon totoo, dahil naka-schedule nang sa South Korea gaganapin ang Miss Universe 2019.

Mike extremely well kahit 4 na beses na-bypass

Nang humarap ang bumubuo ng GMA News and Public Affairs news team sa entertainment press para sa kanilang bigger, better Dobol B sa News TV na nagsimula nang mag-broadcast ng buong linggo, Lunes hanggang Linggo, may mga natuklasan ding ilang bagay tungkol sa kanilang pagtatrabaho bilang mga broadcaster.

Si Mike Enriquez ang head ng radio programming ng DZBB. At hindi naman lihim na ilang buwan din siyang nagbakasyon dahil sa kanyang karamdaman, kaya may nagtanong sa kanya kung hindi pa ba niya balak huminto bilang isang broadcaster.

“Wala namang nagsabi sa akin na huminto na, kahit nagdaan na ako sa four heart bypass, nagda-dialysis ako four times a week habang naghihintay ako ng kidney transplant,” sagot ni Mike.  “Wala akong ginagawa na walang clearance ng doctor ko, sabi nga, listen to your body, tayo ang nakakaalam kung ano nararamdaman natin, and I am extremely well, kaya heto, sama-sama pa rin tayo.”

Kaya ba nilang iwanan ang kanilang pamilya sa tawag ng tungkulin nila bilang mga broadcaster?

“Oo naman, unang nangyari sa akin yan noong pumanaw si Rico Yan,” sagot ni Arnold Clavio. “Good Friday iyong March 29, 2002 nang sumabog ang balita tungkol kay Rico na nasa Puerto Prinsesa, Palawan noon. National news iyon at hindi mo pwedeng hindi i-broadcast. Kasama ko noon ang family ko dahil bakasyon nga kami. Pero iniwan ko sila para maghatid ng report tungkol sa pagyao ni Rico.”

Ang official GMA meteorologist, si Mr. I’m Ready, si Nathaniel “Ka Tani” Cruz, iniiwan niya ang pamilya para mag-report ng lagay ng panahon. Biro nga ni Mike, kapag may bagyo raw, pumapasok si Ka Tani kahit naka-tsinelas lamang dahil lumusong ito sa baha. 

 Naging totoo naman si Joel Reyes Zobel dahil matagal na raw silang kasal ng wife niya at akala nila, hindi na sila magkakaanak, pero ngayon may one-year old baby girl sila.

vuukle comment

PINOY OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with