First birthday party ng bunso nina Richard at Sarah, inulan ng mga artista!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

Grabeee! Ang daming celebrities sa baptismal cum belated first birthday party ni Kai, ang bunso nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ginanap ang event na ‘yon sa Whitespace Manila sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Siyempre, ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama ang punong-abala at mismong si Sarah naman ang nagsabi no’n, huh!

Nasa event din ang lolong si Eddie Gutierrez pati ang lola na si Esther Lahbati.

Ilan pa sa mga Gutierrez na nandoon at nakita ko ay sina Ruffa (na nauna pa sa event ang mga anak na sina Lorin at Venice), Raymond Gutierrez (na na-late dahil galing pa sa Hong Kong), Elvis (with wife Alexa at mga anak na sina Aria at Ezra), Rocky, at Ramon Christopher (with daughters Janine and Jessica).

Samantala, marami pang kuwento sa event ni Kai na nag-end sa pag-blow nina Richard, Sarah at Zion ng candle sa cake ng bata.

Nang magbo-blow na kasi ng candle, tulog na raw si Kai at ayaw naman nilang gisingin pa ang bata.

Tsismis na hiwalay na ‘di totoo, Bea at Gerald magka-date sa birthday ng anak ni Richard

Nasa party si Pokwang kasama ang lovey-dovey niyang si Lee O’Brian at ang anak nilang si Malia na sobrang cute!

Ka-table nila ang ninang na si Bea Alonzo na siyempre ay kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson na tsinika ko at sinabing excited na siya sa series na gagawin nina Bea at Richard.

Binuking pa ni Gerald na hometown niya magte-taping sina Bea at Richard, kaya mas lalo raw siyang na-excite sa first project together ng dalawa.

Isabelle mas lalong sumeseksi

Nakita ko na ka-table ni Raymond si Isabelle Daza na sobrang sexy, huh! Mukhang galing sa gym si Isabelle at biniro ko na sa hitsura niya ay parang wala pa siyang anak, huh!

Si Richard nga, tinanong din si Isabelle tungkol sa kanyang workout.

Anyway, napag-usapan namin ni Isabelle ang nanay niyang si Gloria Diaz na umalis na uli pa-Atlanta, Georgia para sa pagpapatuloy ng taping ng Netflix series na Insatiable.

Hindi na raw susunod si Isabelle dahil magastos.

Noong unang mag-taping kasi si Tita Glo sa Atlanta, pinuntahan na siya ni Isabelle.

RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with