^

Pang Movies

Pamilya ni Eddie pumayag na sa ‘do not resuscitate order’!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pamilya ni Eddie pumayag na sa �do not resuscitate order�!

Hindi ibig sabihin na pababayaan na lamang kung ano ang mangyayari sa actor na si Eddie Garcia matapos na pumayag ang kanyang pamilya sa isang “do not resuscitate order” na palalabasin ng kanyang mga doctor.

Mananatili ang lahat ng kanyang life support, at sinasabi lamang ay hindi na siya kailangan pang isailalim sa CPR o cardio pulmonary resuscitation kung sakali’t tumigil ang kanyang puso.

Iyang CPR ay karaniwang ginagawa para mu­ling palakasin ang puso. Iyan ay isang sistema kung saan hinihipan sa bibig ang pasyente at dinidiinan ang kanyang dibdib. Minsan naman ginagamitan iyon ng electric shock. Ang desisyon ng pamilya ay hayaang mangyari kung ano ang natural para sa kanya.

Ito ay matapos na malaman din nila na kung sakali man at mag-survive siya, maaaring hindi na rin siya makakilos mula sa kanyang leeg hanggang paa. Ibig sabihin mananatili na lang siyang nakahiga habang buhay. Pero iginiit pa rin nilang gusto nilang mapanatili siyang buhay hanggang maaari.

Nagpatuloy ang kanilang paghingi ng panalangin. Nagkaroon pa ng pagdiriwang ng misa upang ipanalangin ang paggaling ni direk Eddie, pero ang kanyang mga doctor ay nagsasabing wala pa ring pagbabago sa ngayon ang kanyang kalagayan.

Kung talagang tutok ang pagbabantay sa actor ng mga medical personnel sa ICU ng Makati Medical Center, sa labas naman ay patuloy na nakatutok din ang media para makuha agad kung ano man ang lalabas na update sa kalagayan ng actor. Si Eddie Garcia ay itinutu­ring sa isa sa pinaka mahalagang actor sa pelikula at telebisyon sa ating bansa.

Bagama’t nakatutok ang lahat sa kanyang pagiging isang mahusay na actor at director ng pelikula, hindi rin natin maikakaila na bago iyon, siya ay naging isa ring mahusay na sundalo.

Si Eddie Garcia ay naging member ng Philippine Scouts noong araw. Iyan ang forerunner ng Philippine Constabulary.

Janelle Manahan dismayado sa hatol!

Acquitted ang hatol ng korte kina Ramon Joseph Bautista, Michael Jay Nartea, Roy Tolisora, Ramona Bautista, Glaiza Visda, Jan dela Cruz at Ryan Pastera, na na­ging akusado sa pagpaslang kay Ramgen Revilla sa kanyang tahanan sa Parañaque noong Oktubre 28, 2011.

Sa naging sakdal laban sa kanila, at sa testimonya ng girlfriend ni Ramgen na binaril din kasama ng actor, ang mga nasasakdal ay nagsabwatan upang mapatay si Ramgen. Pero sinabi ng korte na walang sapat na ebidensiya para ang mga nasasakdal ay hatulang guilty.

Mabilis na nagpahayag ng pagkadismaya si Janelle Manahan sa naging hatol ng korte.

Contestants ng magkaibang network, amoy na ang kabadingan!

Pinag-uusapan sa social media platforms na diumano ay bading ang isang contestant sa isang reality show at itinuturo pang nakarelasyon daw niya ang isa pang naging contestant sa isang talent show mula naman sa ibang network.

Makalipas ang ilang araw, ang contestant sa talent show mula sa ibang network ay naglabas pa ng kanilang litratong magkasama sa isang “very intimate situation”.

Kung sa bagay, hindi pa naman tapos ang Hunyo na tinatawag nga nilang “pride month”, baka nga panahon na rin namang aminin niya ang kanyang tunay na gender preference. Wala na rin naman siyang magagawa pa para maitago niya iyon. Masyadong maraming nakakakilala sa kanya sa kanyang inner circle. Marami na rin naman pala siyang mga barkadahang naikot.

Parang bagoong iyan eh. Itago mo man talagang mangangamoy.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with