Ana Capri tututukan muna ang asawa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Kung ang 60-year-old na dating beauty queen-turned actress-painter na si Maria Isabel Lopez ay ikinasal last June 9, 2019 sa kanyang 68-year-old retired Jewish-American human rights lawyer husband na si Atty. Jonathan Melrod, ang aktres namang si Ana Capri ay ikinasal na rin sa kanyang Australian businessman husband na si Dave in an intimate wedding sa New Australia last May 13, 2019 na dinaluhan ng respective families ng bagong couple.

Ayaw pang i-reveal ni Ana ang apelyido ng kanyang Australian husband dahil sobra umano itong private person. Mahigit umanong tatlong taon ang kanilang naging relasyon bago sila nagpakasal.

Although willing pa rin si Ana na ipagpatuloy ang kanyang acting career sa Pilipinas, gusto muna raw niyang harapin ang kanyang pagiging brand new wife ni Dave and hopefully sa kanilang magi­ging supling balang araw.

Ana was launched as a sexy actress in 1996 sa pamamagitan ng pelikulang Virgin People 2 na tinampukan din nina Sunshine Cruz, Sharmaine Suarez at ni Tonton Gutierrez mula sa direksiyon ng yumaong director na si Celso Ad Castillo.

She was awarded Best Actress thrice for Pila Balde in 1999 and Ala Verde, Ala Pobre in 2005.

Nangyari kay Eddie nagsilbing wake up call!

Maging wake-up call sana sa mga TV networks at movie producers ang pagpu-provide ng medics o medical team sa mga location tapings and shootings ng kanilang mga proyekto nang maiwasan ang nangyari sa movie icon na si Eddie Garcia na aksidenteng natumba sa kinukunang eksena ng bago nitong ginagawang action-drama series sa GMA-7 na pinamamahalaan ni Toto Natividad.

Hindi nalapatan ng first aid ang veteran actor at natagalan pa umano bago ito nadala sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa sikip ng lugar, mainit na panahon at traffic at matagal na makakuha ng masasakyan.

Hanggang sa mga oras na ito ay comatose pa rin ang 90-year-old award-winning actor-director.

ANA CAPRI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with