Kathryn ngayon lang ‘di nagmadali sa pelikula
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Na-homesick daw agad si Kathryn Bernardo sa loob ng tatlong linggong pananatili niya sa Hong Kong para i-shoot ang Hello, Love, Goodbye na first team-up movie nila ni Alden Richards.

Kaya nga aniya, after doing the film, mas lalo raw tumaas ang paghanga niya sa mga OFW (Overseas Filipino Workers).

“Sabi ko, grabe ‘yung respect ko ngayon sa mga OFWs lalo. Kasi ‘yung tatlong linggo ko du’n, My God, feeling ko, ilang taon na ako,” natatawang sabi ni Kathryn sa panayam niya sa TV Patrol.

Aminado rin sina Alden at Kathryn na talagang nahirapan sila doing the film since limited ang oras at kulang sa tao.

“’Eto ‘yung first movie ko na ang aga naming natapos sa playdate. Talagang naakap ko ang buhay-Hong Kong,” sey pa ni Kathryn.

Sabi naman ni Alden, dahil small crew lang sila sa Hong Kong, sila-sila rin ang nagbubuhat ng mga gamit na kung minsan ay sa mataas na lugar pa raw ang location.

Pero kahit nahirapan, sobrang proud naman daw ang dalawa sa kanilang ginawa.

“The hard work, the blood, the sweat, the tears to do this film, I guess, sobrang proud ako rito kasi binigay ko lahat. I mean, lahat kami,” sabi ni Alden.

Cherie nag-warning din kay Dingdong

Kaaliw si Cherie Gil na ayaw patawag ng Tita sa mga Starstruck hopefuls at pati na rin sa ibang mga batang artista. Aniya, ang mga close lang daw niya ang puwedeng tumawag sa kanya ng ‘tita’ bukod sa kanyang mga tunay na pamangkin.

Pati nga si Dingdong Dantes na host ng Starstruck ay sinabihan niya sa presscon na huwag daw siyang tatawaging “tita” lalo pa nga’t barkada nito ang pamangkin niyang si Gabby Eigenmann.

Nagsimula raw ang ganitong rule niya nang minsang mainit ang ulo niya at mag-post siya ng “never call me tita.” Ipinasa raw ito ni Lea Salonga at naging viral na.

“It became a social issue,” sambit ni Cherie.

‘Yun pala ay marami raw nakaka-relate sa kanya na mga babaeng ka-age niya who find it awkward to be called “tita.”

Si Cherie ay isa sa judges sa Starstruck 7 kaya warning sa mga hopefuls, kung gusto n’yong huwag kayong kainisan ng aktres, huwag na huwag n’yo siyang tatawaging “tita.”

Ken sinusulit ang bakasyon

Matapos ang sunud-sunod na trabaho, nagbakasyon sa Bali, Indonesia si Ken Chan and he really deserves it naman talaga lalo pa nga’t 6 months ding tumakbo ang huli niyang seryeng My Special Tatay na nasundan agad ng concert nila ni Rita Daniela.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang mga adventure na ginawa ni Ken sa Bali at halatang enjoy na enjoy siya.

In one post ay makikitang nagpunta siya sa Uluwatu Temple at nanood ng fire dance.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with