Jose umaming naghaharutan pa rin sina Alden at Maine kahit off cam!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Wala naman daw iwasan na nagaganap sa pagitan nina Alden Richard at Maine Mendoza sa Eat Bulaga ayon kay Jose Manalo. In fact ay sweet pa rin naman daw ang dalawa kapag magkasama sa studio.

“Nag-uusap ‘yun, parang mga bata ‘yung dalawa na ‘yun pag nag-uusap, ‘yung magbiruan. Masaya, masaya kami,” sabi ni Jose nang makatsikahan ng entertainment press sa presscon ng Starstruck Season 7 kung saan ay isa ang komedyante sa mga hurado.

“’Yung sweetness, nandu’n. Naghaharutan ‘yung dalawa,” dagdag pa ni Jose.

Wala raw siyang nararamdamang pinaghihiwalay or hiwalay na ang AlDub loveteam.

“Sa Eat Bulaga kasi, siguro, ‘yung portion namin, maraming portion sa Bulaga, so bawat host, binibigyan sila ng kanya-kanya. Mayroong time naman na magkasama. Minsan, kasama rin namin sila sa Juan For All (All For Juan), eh. Siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila. Hindi naman siguro pinaghihiwalay,” sey pa ni Jose.

Anyway, bago pala tinanggap ng komedyante ang pagiging StarStruck Council, tinanong muna raw niya kung alam ba ito ni Joey de Leon since for the longest time ay napapanood din natin ito bilang hurado sa mga nakaraang seasons ng Starstruck.

Pero ang sabi nga raw sa kanya ay hindi naman daw regular ang mga nagiging judges sa Starstruck at alam din daw ito ni Joey.

Idol daw niya si Joey at siya naman ay first time pa lang na magiging council sa nasabing artista search kaya kung baga ay bagitong-bagito pa siya pero siyempre, gagawin naman daw niya ang best niya sa trabahong in-assign sa kanya.

Jennylyn walang katapusan ang pasasalamat sa GMA-7

Hindi nakarating si Jennylyn Mercado sa mediacon ng Starstruck 7 held last Monday night dahil may taping siya ng Love You Two. Pero nagpadala naman siya ng video greetings and expressed how excited she is sa pagsisimula ng talent search na kanyang pinagsimulan.

15 years ago nang sumali si Jen sa kauna-unahang Starstruck wherein she emerged as the Ultimate Female Survivor.

It’s amazing na mula sa pagiging hopeful, ngayon ay siya na mismo ang nagho-host ng nasabing artista search kasama ang original host na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Jen, walang katapusang pasasalamat ang ibinibigay niya para sa GMA-7 at sa Starstruck because they made her who she is today.

JOSE MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with