Arjo Atayde
Arjo magpo-produce ng pelikula para sa kanila ni Maine?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Did we hear it right that Arjo Atayde is considering the idea of turning producer, obviously for a movie?

Now the question being asked: Will he offer the leading lady kay Maine Mendoza, his rumored girlfriend?

Well, jackpot pag nagkataon.

Right now, Arjo has several assignments to keep him busy, bagaman at daily napapanood siya sa top series na The General’s  Daughter.

And since, open book na he can sing, he is being offered na mag-guest sa concerts o musical TV shows.

No wonder, his Mom, Sylvia Sanchez is simply just proud of him.

Jodi maraming ginulat

Magkasamang nanoood ng premiere ng Clarita, the horror flick which topbills Jodi Sta. Maria, ang mag-pinsang sina Almira Muhlach and former child wonder, Niño Muhlach, na ginanap sa Santolan Theater in San Juan.

Clarita, directed by Derrick Cabrido, topbills, too, Ricky Davao, Aaron Villaflor, Yayo Aguila at Romnick Sarmenta. Introducing si Alyssa Muhlach, anak ni Almira, who plays a journalist.

“Nakakagulat ang pelikula,” ani Niño, “At nakakatakot. Mabuti na lang, ‘di ako nagpumilit na dalhin sa loob ng sinehan si Alonzo (his nine year-old child star son).

“Nasa Santolan Theater na kasi kami nang malaman kong PG13 ang Clarita.

“Nonetheless,” tukoy ni Niño. “Impressed ako sa movie. At sa performances ng mga artista. Including Alyssa, my niece.”

A true story about exercism, ang kuwento ni Clarita na diumano’y naganap in the early 1950s. A woman Clarita was reportedly possessed by the evil.

As a woman possessed by the devil, maraming hirap na dinanas si Clarita. Kasama na ang pagtiwarik niyang mga eksena, na inamin ni Jodi na nahirapan siyang gawin. Physically and emotionally, kaya nga raw, sana kumita ang movie.

Eddie ngayon lang nagkasakit

Marami sa mga kasamahan ni Eddie Garcia ang ‘di makapaniwalang mangyayari sa showbiz icon ang kasalukuyan niyang dinaranas ngayon.

At 90, yes, that’s really his real age raw, he still looked robust and active.

Actually, there was never a time na napabalitang nagkasakit siya. Ipinagmamalaki niya kasing may iba’t iba siyang maintenance medicines na siyang dahilan kung bakit bihira sa kanya ang magkasakit.

Obvious na nakatulong din kay Eddie ang pagiging military man niya before he became an actor. Alam niya kung paano alagaan ang sarili.

It was his younger brother, Tiago, na nagtatrabaho sa Sampaguita Pictures noong kasikatan ng nabanggit na produksyon, who encouraged him to try showbiz.

And the rest is history. As an actor, Eddie is not just most-awarded at ‘di nawawalan ng project; he is labis na iginagalang at pinagpipitaganan.

Pia hindi nawawala ang interes sa Darna

If invited to audition for the role of Darna, ‘di raw mag-aatubiling sabakan ito ng former Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

At least, ‘di nga naman puwedeng sabihin na ‘di niya sinubukan, hindi man niya finally nakuha ang role, wika nga.

But if she did? Yes, considering that she looks ideal for the role.

The late Rosa del Rosario was almost Pia’s age raw, when the late Fernando Poe, Sr. reportedly handpicked her for the role.

Pia’s now 29 years old.

Pia has an upcoming movie with Vhong Na­varro, wala pang tiyak na title but will have Black Sheep producing it.

Dating Goin’ Bulilit star, may diploma na

I-congratulate natin Salve A., ang dating Goin’ Bulilit mainstay na kaga-graduate lang ng kursong Information Technology.

His name is Aaron Junatas.

Aaron is only 20 years old.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with