^

Pang Movies

Vice at Ion tanggap ng pamilya ng isa’t isa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Vice at Ion tanggap ng pamilya ng isa�t isa
Ion Perez, Vice Ganda

Kahapon ay nakabalik na sa bansa si Vice Ganda at mamaya ay magre-report na raw siya sa It’s Showtime.

Siyempre, masaya si Vice dahil successful ang shows niya sa Canada at US.

Masaya rin siya at nag-bonding sila ng kanyang nanay na si Mommy Rose.

Of course, given na rin na masaya si Vice na kasama nila ang rumored-boyfriend (at sinasabing kasama sa bahay) niya na si Ion Perez, huh!

Naku, tiyak na ikakatuwa ni Vice na marami siyang mga fan na kinikilig sa pictures na kasama nila ni Ion ang nanay niyang si Mommy Rose.

Ilan sa mga kaibigan ni Vice ang nagsabing masaya sila para sa kaibigan dahil mukhang tanggap nga ni Mommy Rose si Ion.

Ang tsika pa, tanggap din daw ng pamilya ni Ion ang special friendship nila ni Vice, huh!

Ang bongga!

Niña ibang level ang pagiging magalang

Alam mo, Ateng Salve, nakakatuwa itong si Niña Taduran na naging partner ni Raffy Tulfo sa radio for 20 years na.

Kahit kasi kasama siya sa nangunang Party-List group na ACT-CIS nitong nakaraang midterm elections, sinabi niyang gusto pa rin niyang makasama si Raffy sa radio.

Parang ang hirap daw na isipin na mawawala siya sa public service radio program nila.

Kaya lang magiging abala na nga siya bilang miyembro ng house of representative.

Pero for sure, sa mga espesyal na okasyon ay sasamahan pa rin ni Niña si Raffy.

Anyway, kahapon ay ka-text ko si Niña at excited na siya sa proclamation nila.

“Bale 7:00PM pa po, Tito Jun,” text sa akin ni Niña.

Sobrang magalang nga pala itong si Niña dahil talagang mahilig siyang mag-“Tito” at “Tita” sa mga kausap.

Hindi nga ba at Tita rin ang tawag sa ‘yo ni Niña, Ateng Salve?

Kapag nasusulat nga pala si Niña sa entertainment pages ng newspapers at tabloids ay pino-post niya kaagad ‘yon sa kanyang social media account at very sweet din siya na nagpapasalamat sa mga nagsusulat ng tungkol sa kanya!

Singer na? Ruffa may birthday ‘concert’

Na-excite ako sa kuwento ng isang showbiz personality na isu-surprise niya si Ruffa Gutierrez sa birthday concert nito sa Marriott Grand Ballroom sa June 22.

Ooops, baka isipin n’yo na si Ruffa ang kakanta sa concert na ‘yon, hindi po!

Maraming singer na kinuha ang nanay niyang si Annabelle Rama para kumanta sa nasabing event at marami raw surprises na tiyak na ikaka-touch ni Ruffa, ‘noh?!

Ang sarap sanang isulat kung sinu-sino ang magpe-perform, pero ayokong i-preempt ‘yon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ION PEREZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with