Annabelle Rama
Annabelle punong abala sa birthday ng apo
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

Aligaga si Annabelle Rama sa paghahanda para sa baptismal cum belated first birthday celebration ng apong si Kai.

Sanay na si Bisaya na siya ang tumutulong sa kanyang mga anak kapag may ganitong espesyal na okasyon.

Sa June 16 gaganapin ang event na ‘yon at sinigurado ni Bisaya na makaka-attend ang lahat ng mga ninong at mga ninang na kinukuha nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para kay Kai.

Sabi ni Bisaya, hindi raw magandang tingnan kung puro proxy ang darating.

Kahapon, nag-text din si Bisaya ng save the date para sa iba pang mga imbitado sa event na ‘yon ng kanyang apo.

Tuwang-tuwa rin si Bisaya kapag naiiwan sa kanya ang mga apo para alagaan.

May pagka-spoiler nga lang si Bisaya sa kanyang mga apo!

Aktres idinemanda ang online reseller

May isang online reseller ang nakademanda ngayon.

Isang aktres ang nagdemanda kay online reseller dahil sa perang in-invest niya sa negosyo nito.

Noong una raw, buyer lang ni online reseller si aktres, pero nakumbinsi raw ng una ang huli na mag-invest sa negosyo nito.

Nagdemanda nga lang si aktres nang hindi na maisoli ni online reseller ang pera niya.

May iba pang taga-showbiz na bumibili noon kay online reseller ang kinumbinsi niya na mag-invest sa kanyang negosyo, pero unlike si aktres, hindi sila nakumbinsing ilagay ang pera nila sa negosyo ni online reseller.

Singer/actress nag-iingat sa sinugalang pelikula

Naaliw ako sa kuwento ng isang kasali sa production ng isang pelikula kung saan kasosyo ang isang singer/actress na kilala sa pagiging magaling na negosyante.

Kahit pala mga kakilala na niya ang mga taong nasa production ng pelikula nila, may kahigpitan pa rin si singer/actress pagdating sa production budget nila.

Lahat, binubusisi ni singer/actress.

She’s not the type na yes lang nang yes at pirma lang nang pirma sa lahat ng production budget.

Sabi naman ng isang malapit kay singer/actress, dapat lang daw na gawin nito ang bagay na ‘yon dahil hindi lang ito ang nag-invest sa pelikulang ginawa, ilang kaibigan din kasi ni singer/actress ang naglagay ng pera sa project na ‘yon.

Ayaw naman daw ni singer/actress na basta maging maluwag dahil ayaw naman niyang dumating ang araw na masisi siya ng kanyang mga kaibigan na nag-invest sa pelikulang ‘yon, huh!

Tama!

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with