Tinalbugan si Alden Maine tatlo na ang branch ng food chain
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 18, 2019 - 12:00am

Pinalutang ng fans ni Maine Mendoza sa Twitter ang pagkakaroon ng third branch ng global food chain ng aktres.

Wala pa silang nabanggit kung saan branch ito pero ang date ng pagbubukas ng bagong branch ay sa June 1.

Puring-puri si Meng ng fans niya dahil sa pagbubukas ng bagong branch eh may nabigyan na naman siya ng trabaho.

Sa totoo lang, buhay na buhay na ang Pheno­menal Star kahit hanggang sa Eat Bulaga at sitcom na Daddy’s Gurl na muna ang gawin niya dahil sa negosyo niyang food chain, huh!

Nadine pinasok na ang pagiging sales advisor

Pumapel na sales advisor at stylist si Nadine Lustre kaugnay ng event na inorganisa kahapon sa SM Mall of Asia ng international clothing brand kung saan modelo ang girlfriend ni James Reid.

May kinalaman ang event sa pagkuha kay Nads ng brand para sa selected swimsuits na personal niyang pinili para sa magazine nito.

Sa Twitter ng global brand, may staff pa si Nadine na mag-a-asist sa kanya bilang sales advisor at stylist with matching ID, huh!

Heart nagulat sa sariling akting

Madaling-araw pa lang ay tumatakbo si Heart Evangelista na sinusundan niya ng boxing bilang preparasyon sa international movie niyang sinu-shoot sa China.

Nanibago si Heart sa role niya ayon sa interview sa kanya sa 24 Oras dahil mas nakilala siya sa series na drama.

“Nakakapanibago! Pag pinapanood ko ‘yung eksenang natapos kong i-shoot, hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon!

“Kaya extra effort ang training na ginawa ko else baka hindi ko maitawid ang mga action scene na part ng movie,” pahayag ni Mrs. Chiz Escudero.

Babalik uli sa China si Heart this month upang tapusin ang natitira pa niyang eksena.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with