Winwyn Marquez
Winwyn ayaw tuldukan ang tsansang mag-pulitika rin
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

First time ng buong cast ng bagong GMA Afternoon Prime drama series na Dahil Sa Pag-ibig na napanood ang full trailer sa mediacon na ginanap sa Executive Lounge ng GMA Network. Isa nga sa medyo nagulat ay si Winwyn Marquez sa kissing scene nila ni Benjamin Alves sa serye.

Biniro tuloy si Win na akala raw ba nila ay ayaw niyang gumanap ng ganoong role?

“Hindi po naman sa ayaw kong gumanap ng ganoong role, pero noong time na in-offer sa akin ng GMA ang Pamilya Roces, kailangan kong tanggihan dahil ang role ko iyong ginampanan ni Sophie Albert, kahit po kasi sexy-comedy ang character niya, hindi ko po pwedeng gawin.  Noong time po kasing iyon, ako pa ang reigning Reina HispanoAmericana at hindi ako pwedeng gumawa ng ganoong role. Saka that time din ay busy pa ako fulfilling my duties at madalas kailangan kong magbiyehe out of the country. Very good replacement naman ni Sophie sa role na iyon, ang husay-husay niya.”

Sa Dahil sa Pag-ibig, isang OFW si Win as Portia, sa UAE at napangasawa niya ang employer ni Benjamin as Eldon. Nagkaroon sila ng relasyon ni Eldon hanggang sa napatay nito ang kanyang employer.  Para makaligtas si Portia, idiniin pa niya si Eldon at nakulong ito.

“Draining po ang mga eksena namin dito, ka­ming apat nina Sanya Lopez (as Mariel), Pancho Magno (as Gary), at kami nga ni Benjamin,”  kuwento ni Win. “Pero we are a happy set, pagkatapos ng isang matinding eksena, mayroon diyang magpapabili ng coffee, donut.”

Sad si Win na natalo ang brother niyang si Je­remy sa election, pero nanalo raw naman ang Kuya Vandolph Quizon niya.

Wala ba siyang balak pasukin ang politics sa mga susunod na eleksyon?

“Ayaw ko pong magsalita nang patapos, pero sa ngayon, wala pa naman. Showbiz muna ako, bukod po kasi rito sa Dahil sa Pag-ibig, may bago akong show sa GMA News TV, ang Glow Up na kasama ko ang cousin kong si Michelle Dee.”

Kumusta naman sila ng ex-boyfriend na si Mark Herras?

“Paminsan-minsan nagkukumustahan din po kami, pero hanggang doon lang.”

Ang Dahil sa Pag-ibig ay may world premiere simula sa Monday, May 20, after ng Bihag.

Papalitan ng Dahil sa Pag-ibig ang musical-drama series na Inagaw na Bituin na tampok ang mga mahuhusay na tween stars na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar. Magtatapos na ngayong hapon ang afternoon prime drama series na dinirek ni Mark Reyes, pagkatapos ng Bihag.

Kaabang-abang ang grand finale kung paano makaliligtas si Anna (Kyline) sa tangkang pagpatay sa kanya ni Lucy (Angelika dela Cruz) kapatid ni Belinda (Sunshine Dizon) na hindi matanggap na siya ang dahilan ng pagkamatay ng anak niyang si Ariela (Therese) at ang pagkatalo niya kay Belinda sa lahat ng aspeto ng buhay nila.

WINWYN MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with