Kris hindi agad nakahingi ng tulong nang maaksidente sa mismong bahay

Kris Aquino

Naaksidente na naman si Kris Aquino. Na-outbalance na naman siya at bumagsak sa isang wooden breakfast tray.

Sa Instagram picture, ipinakita ang isang bahagi ng katawan niya na namamaga. Dahil sa nangyari, nagpaalala siyang hindi maganda ang magkaroon ng bahay na sound proof.

“I kept shouting for HELP but nobody could hear me,” bahagi ng caption ni Kris.

Kinuha niya ang phone at natawagan si Bincai na dumating na may tatlong kasama.

“My lower right side arms up to my shoulder have scrapes, bruises and swelling. Ribs hurt, left side of my neck feels sore. I feel bukol in the back of my head,” saad pa niya sa nangyari sa kanya.

Show comments