Sharon Cuneta
Sharon nag-sorry
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 13, 2019 - 12:00am

Humingi naman pagkatapos na paumanhin si Sharon Cuneta sa pamamagitan ng isang social media video sa nakitang reaksiyon niya ng mga tao sa Pasay na nagpunta sa meeting de avance ng kanyang kapatid. Doon lang kasi niya nalaman na ang isang kakampi pala nila ay umalis na sa kanilang grupo at nagsarili na ng lakad.

May mga akusasyon si Sharon laban sa dating kaalyansang umalis sa kanilang grupo, pero mabuti ngang hindi na iyon banggitin pa. May nagsasabi namang ang isa sa mga factor kung bakit nagsariling lakad na ang kanilang dating kakampi ay ang hindi magandang following ng kapatid ni Sharon na kandidatong mayor ng Pasay. Nangulelat kasi iyon sa lahat ng survey sa kabila ng tulong na endorsement ni Sharon. Malayo iyon sa kanilang inaasahan dahil ang kanilang tatay na si Mayor Pablo Cuneta ay naging punong bayan ng lungsod sa loob ng 41 taon. Minsan lang siyang natalo pero nakabawi ulit. Napalitan siya ng OIC pagkatapos ng EDSA Revolution, pero ibinalik siya ulit sa City Hall ng mga mamamayan ng Pasay sa kasunod na eleksiyon.

Pero sinasabi ngang pagkatapos ni Mayor Cuneta, wala nang Cuneta pang naka-puwesto sa Pasay. Inaasahan nga nila ang utol ni Sharon, pero hindi rin naging maganda ang showing sa simula pa lamang ng kampanya.

Pero ganyan talaga ang pulitika eh. Basta malakas ka, para kang asukal na nilalanggam. Pero kung sa tingin nila tagilid ka, iiwanan kang talaga. Iyon nga siguro ang nangyari. Anyway, mamaya lang tapos na ang lahat ng iyan. Dapat kalimutan na ang samaan ng loob kung may nangyari man.

James at Nadine may ‘plus one’ na?!

Isang private celebration lang ang ginawa ni James Reid na pagdiriwang sa birthday niya, na sinasabi ngang ginawa lang sa Palawan, kung saan siya nagbakasyon nang ilang araw, kasama ang kanyang live in partner na si Nadine Lustre.

Kasama rin nila ang ilang kaibigan at ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Maganda naman ang relasyon ng mga pamilya ng mag-live in partner. Nagkakasundo namang lahat.

Mukha namang talagang seryoso na sina James at Nadine sa kanilang relasyon. Hindi na tayo dapat magulat kung isang araw ay marinig na lang nating madadagdagan na sila ng isa pa. Saan pa ba naman patungo iyon kung di sa ganoon.

Male newcomer na naloko ng ka-chat, kalat na ang scandal!

Naloko daw siya ng isang babaeng ka-chat niya sa internet sabi ng isang male newcomer. Hindi niya alam na ibini-video na pala siya, at tapos narinig na lang niya na ang video pala niya ay ipinagbibili na sa mga bading. Hindi naman niya kilala talaga iyong ka-chat niya, kaya sino ang hahabulin niya?

May mga nakabili naman ng video na nag-upload noon sa mga gay porn sites kaya mabilis na kumalat ang nasabing sex video na malaking problema niya ngayong napasok na nga siya sa showbusiness. Hindi pa man siya sumisikat, may scandal na siya.

Sino pa nga ba ang maniniwala sa kanya kung ganoon?

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with