Arnell Ignacio
Arnell naghahanda na sa susunod na posisyon
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - May 9, 2019 - 12:00am

Walang kaingay-ingay at hindi na sinabi ni Arnell Ignacio na nagawa niyang magtapos ng kolehiyo sa University of Makati. Dalawang taon lang niya tinapos ang kursong Bachelor of Arts in Political Science.

Kaya na niyang pangatawanan ang anumang posisyon sa gobyerno na ipagkakaloob muli sa kanya. Mas inuna niya ang pag-aaral muli kesa balikan ang iniwanang posisyon sa gobyerno.

Paghahanda lamang ito kung saka-sakaling magkaroon muli siya ng pagkakataon, katulad nang pamahalaan niya ang PAGCOR.

Mas excited siya na balikan ang kanyang pag-aartista na nagbigay ng fulfillment sa artistic side niya.

Mas malaki ang kita niya bilang artista at feeling niya, less ang intriga at kontrobersiya sa showbiz kaysa sa politics. Pero hindi ito dahilan para atrasan niya ang public service.

Kiko at Sharon hindi nag-aaway kahit magkasalungat

Nakakabilib naman na walang away sa pagitan ng mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Nagagawa nilang mapanatili ang katahimikan sa kanilang marriage kahit sa pagkakaroon nila ng magkasalungat na opinyon at paniniwala sa ma-raming bagay tulad ng kanilang political preferences.

Sinabi ng Megastar na wala naman silang sikreto for staying this long in marriage bukod sa pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa kung saan nahihirapan ang marami na paniwalaan.

Husay ni Tony Mabesa kapareho kay Eddie

Mabuti naman at may kumilala rin sa galing ni Tony Mabesa sa ginawa nitong performance sa Rainbow’s Sunset. Marami sa nakapanood ng pelikulang ito ni Joel Lamangan ang naniniwala na kasing effective ng acting ni Eddie Garcia ang ginawang pag-arte ni Mabesa. Tanging ang 52nd Annual Worldfest sa Houston, Texas ang nagpasyang pagpantayin ang dalawang b­eteranong aktor bilang Best Actor sa nasabing movie na nakasali sa nasabing film festival at pinag-tie sila.

Barbie at JM nagkasakitan na

Sayang at sa away lamang nauwi ang relasyon nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Hindi nagustuhan ni Barbie ang ipinahayag ng aktor na maikli lamang daw ang itinagal ng kanilang relasyon.

Nalagay tuloy sa alanganin ang aktor dahil tinawag siyang sinungaling ni Barbie. Sana ay pareho na lang silang hindi nagsasalita tungkol sa naging relasyon nila, tutal naman sila lang ang nakakaalam tungkol dito at sa kanila lamang nanggaling ang kuwento.

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with