Max Collins
Max at Pancho lilibutin muna ang Europe bago mag-baby
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Philstar.com) - May 1, 2019 - 12:00am

Nakakabilib ang acting ni Max Collins sa Afternoon Prime drama series na Bihag na kung saan ay gumaganap siyang si Jessie, isang ina na nawala ang anak na si Ethan (Rafael Landicho) pero hindi niya alam kung sino ang kumuha, then bigla na lamang dumating ang balita na patay na ang bata.

“Ang hirap po talagang umarte bilang isang mom na ganoon ang pinagdaanan sa nawawala niyang anak,” sabi ni Max. “Wala pa po kasi kaming anak ni Pancho (Magno), kaya nagdi-depend po ako sa character ko sa script, saka thankful ako sa husay ng support ko sa cast, si Jason Abalos as my husband, si Sophie Albert na bestfriend ko kunwari, si Mark Herras, na siyang may hawak ng kaso ng anak ko.”

Maraming mahihirap na eksenang ginagawa si Max na madalas ay crying scene, pero kayang-kaya naman niya. Serious actress kasi si Max at last year, sunud-sunod ang acting awards na natatanggap niya kaya everytime ay challenge sa kanya ang character na ginagampanan niya.

Kaya ang tanong, kailan naman nila planong magka-baby ni Pancho?

“Siguro po ay next year na, kasi ito nga may Bihag ako at si Pancho, magsisimula pa lamang ng bago niyang soap, ang Nang Dahil Sa Pag-ibig with Sanya Lopez. Basta ang plano po namin ni Pancho magta-travel muna kami after ng soap niya, gusto po muna naming mamasyal as a honeymoon treat namin dahil two years na kaming married sa December, hindi pa kami nakapag-honeymoon. Gusto po muna naming pumunta ng Portugal, Spain, Italy, Russia. Sana po sa iba pang European countries makapunta kami bago ako maging preggy.”

Jasmine kay tom nakakuha ng lakas ng loob

Excited na si Jasmine Curtis Smith sa opening  ng horror movie nila ni Tom Rodriguez, ang Maledicto  na imbes na ngayong araw ay inatras na sa May 8. Although may special screenings na sila, mas maganda nga naman kung mapapanood na ito in cinemas nationwide.

Thankful si Jasmine sa director nilang si Mark Meily at sa leading man niya na nagpalakas ng loob niya sa mga eksena, lalo na sa exorcism scene ng movie.

Wish ni Jasmine na magustuhan ng mga manonood, lalo na iyong mga horror movie addicts, ang movie nila na first local production ng Fox Networks Group Philippines, and co-producers ang Cignal Entertainment at Unitel.

After this movie, magiging busy naman si Jasmine sa bagong teleserye na gagawin niya sa GMA Networks. Nakipag-meeting na siya at ang manager niyang si Betchay Vidanes at plantsado na ang project na sisimulan na nila very soon. Napapanood pa rin si Jasmine sa flashback scenes ng epic seryeng Sahaya na siya ang gumanap na young mother ni Sahaya, si Manisan, na ginagampanan ngayon ni Mylene Dizon, gabi-gabi, pagkatapos ng Kara Mia sa GMA-7.

MAX COLLINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with