Idol Philippines 100,000 agad ang YouTube subscribers!

MANILA, Philippines — Mainit na sinalubong ng online world at ng home viewers ang pag-uumpisa ng Search for the Idol Philippines noong Linggo (Abril 21), kaya naman nanguna ito sa national TV ratings at nagtala ng record bilang pinakamabilis na ABS-CBN show na pumalo sa 100,000 YouTube subscribers noong weekend.

Nakuha ng bagong reality talent show ang bilang ng subscribers sa loob ng 18 oras lamang, matapos umere ang pilot episode nito, at nakatakdang gawaran ng Silver Creator Award mula sa YouTube.

Samantala, umabot naman na sa higit 6 milyon ang total views ng apat na audition clips sa loob lamang ng 24 oras.

Lalo pa itong gumawa ng ingay online nang maging number one trending video ang performance ng idol hopeful na si Angie Kristine sa pag-ani nito ng 1.8 milyong views isang araw matapos itong i-upload.

Naging top trending topic naman ang opisyal na hashtag nito na #IdolPhilippines at ang related trending topics na #IdolPHRegineV, #IdolPHJudgeVice, #IdolPHJudgeMoira, #IdolPHJudgeJames at maging ang pangalan ng idol hopefuls sa Twitter.

Show comments