Showbiz couple na matagal ‘di nagsama, kasado na ang gagawin!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Kasado na ang pagbabalik sa big screen ng isang popular showbiz couple. Meron na silang napiling direktor na sinang-ayunan naman ng huli.

Pero inaayos pa ang ilang detalye tungkol sa project. Kaya off the record muna ang ilang impormasyong nakuha namin pati na sa kung anong film company ang gagawa nito.

Matagal na ‘yung huling big screen outing ng sikat na couple dahil kadalasan eh, TV series ang ginagawa nila. Pero once maayos na ang iba pang detalye ng project, tuluy na tuloy na ito.

Sharon masaya sa madudugong mga eksena 

Impressed na impressed si Sharon Cuneta sa buong Reality Entertainment production staff na nakatrabaho niya sa unang horror movie niyang Kuwaresma.

“They are such an efficient staff, wonderful crew na para ba silang army. Kami, may pahinga kaming mga artista.

“So, actually I call Kuya, si Dondon, after this film. It was such an honor and a privilege to work for Reality.

“Thank you so much for all the respect, the great project that I have experienced. Thank you so much.

“Thank you also direk (Erik) for your staff. Ikaw ‘yon eh. They are so at home and that is what I want to experience. There’s not waste of time.

“Parang pati sila in character! Ha! Ha! Ha! Pero napakasaya namin. Pero lahat nagtatrabaho. Pag take, lahat game.

“Pag hindi na ako artista at nagpi-picture ako, magtatrabaho ako sa Reality! Ha! Ha! Ha!

“But truly, from the bottom of my heart coz God is my witness, one of the very best companies that I’ve worked with. Thank you so much and my director!” pahayag ni Shawie.

Horror fan si Shawie kaya naman pag may pini-pitch sa kanyang horror scenes, alam niya kung kinuha ito a foreign movies.

Para kay direk Erik, madugo ang mga eksena ni Sharon sa movie pagdating sa mga pisikal na eksena at iyakan!

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with