Jericho Rosales
Theme song ng Halik pumatok din
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 17, 2019 - 12:00am

Hindi matapos ang pasasalamat ni Jericho Rosales dahil sa matagumpay na pag-ere ng serye nilang Halik kasama sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

Kasabay ng Halik ay ang success din ng single niyang Hardin na naging theme song ng mga karakter nila ni Yen na sina Jacky at Lino kung saan umabot ng mahigit dalawang milyon ang views sa YouTube. Gabi-gabi ba naman itong mapakinggan sa kanilang serye eh, talagang papatok ito.

Sa nalalabing dalawang linggo ng Halik, marami pa ang kaabang-abang at dapat tutukan na ang ibang viewers ay humihiling pa ng another extension dahil hindi raw kumpleto ang gabi nila pag hindi nila ito napapanood. Pero sagad na ang panahong ibinigay para umere pa ng mas matagal ang seryeng ito, dahil matagal na pala itong dapat natapos.

Sepanx (separation anxiety) ang nararamdaman ng cast ng Halik na binubuo pa nina Hero Angeles, Chai Fonacier, Almira Muhlach, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta at Christian Bables at marami pang iba. Kahit na heavy raw ang drama ng kanilang serye, madalas daw silang magharutan at magkulitan off cam.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with