^

Pang Movies

Angelica tuloy ang paghahanap ng manliligaw

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica tuloy ang paghahanap ng manliligaw
Angelica Panganiban

“Bye Japan, hello NEW YORK City! Ready na po ako maligaw at magpaligaw,” sabi ni Angelica Panganiban sa kanyang post kahapon.

 Nagbakasyon ang actress sa Japan kasama ang kaibigang sina Maxene Magalona at husband nitong si Robbie Mananquil at obviously idi-diretso niya ang bakasyon sa New York.

Obviously din, zero pa rin ang lovelife ng actress matapos ang nangyari sa kanila ni Carlo Aquino.

Janine kakaiba ang ganda sa dagsin

Ang ganda pala ng role ni Janine Gutierrez sa award winning movie na Dagsin na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Bukod sa magandang role, ang ganda rin talaga ng rehistro niya sa screen. Ang classic ng beauty niya. Medyo matagal na ang nasabing pelikula na pinagbibidahan ng beteranong aktor na si Tommy Abuel na nanalo na ng maraming award para sa kanyang role na isang judge na nalumpo nang ambusin at nakaranas ng katakut-takot na torture sa kamay ng mga Hapon pero mas nahirapang tanggapin ang pagkamatay ng misis.

Sa backstory ang role ni Janine na only love ng character ni Sir Tommy na si Corazon na nag-iisa niyang minahal hanggang tumanda sila pero nagkasakit ito kaya’t naunang namayapa.

Pero may ibang twist ang kuwento ng pelikula.

Walang duda ang husay ni Sir Tommy sa Dagsin.

Malinis ang konsensiya Kris hindi takot sa ‘death’

Praying ang ibang fans ni Kris Aquino na sana’y bumalik sa dati ang sigla niya.

Para nga kasing lalong pumayat si Kris sa kanyang latest post kahapon sa IG.

Kasama pa sa caption na “FYI death isn’t scary pag malinis ang conscience” kung saan may mensahe nga siya sa dati niyang manager.

Sana nga ay maging masigla na uli siya at maging healthy.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with