^

Pang Movies

AiAi lagare sa pelikula!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
AiAi lagare sa pelikula!
AiAi delas Alas

Natawa kami habang nakikipanood sa cell phone ni Jun Nardo ng trailer ng Viva Films movie na Sons of Nanay Sabel na showing na sa May 1. Hindi lang kasi mga eksena ang nakakatawa, pati ang dialogue ng cast, lalo na si AiAi delas Alas.

Kasama ni AiAi sa pelikula ang Ex-Battalion na magbibida agad sa una nilang pelikula. Nasa cast din sina Kylie Versoza at si Ms. Nova Villa sa direction ni Dado Lumibao.

Ang daming ginagawang pelikula ni AiAi, siya na yata ang may pinakamaraming pelikula na ginagawa this year, kaya literal na naglalagare siya sa shooting.

BTS sa shooting nina Alden at Kathryn sa HK, bawal!

Matutuwa nito si Alden Richards dahil nang i-post niya ang parang sample poster ng Star Ci­nema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, marami sa kapwa niya Kapuso stars ang nag-comment ng suporta sa pelikula, sa kanya at kay Kathryn. Natuwa nga ang fans ni Kathryn dahil kasama ang aktres sa tina-tag ng Kapuso stars.

Kahapon, lumipad na rin pa-Hong Kong ang iba pang kasama sa cast ng movie na sina Kakai Bautista, Maymay Entrata, Lovely Abella at Joross Gamboa. Noong April 9, nagsimulang mag-shooting si direk Cathy Garcia-Molina.

Pero parang mahihirapan silang i-control ang crowd at ipagbawal ang kumuha ng BTS sa shooting dahil maraming Pinoy sa HK na fans nina Kathryn, Maymay, Alden at iba pang cast.

May nabanggit ng playdate ng Hello, Love, Goodbye na sana hindi mabago dahil magandang playdate ang napili ng Star Cinema.

Maja naunahan pa si Maine kay Maricel

Mauuna pang magkakasama sa pelikula sina Maricel Soriano si Maja Salvador kesa kay Maine Mendoza na naunang nabalitang makakasama ni Maricel sa pelikula rin ng Regal Entertainment.

Nagkita ang dalawa noong isang araw at si director Frasco Mortiz na siyang magdidirek ng The Heiress. Nasa IG Story ni Maja ang photos nang pagkikita nila ni Maricel at ang sabi, “can’t believe i’m gonna be working with the one and only diamond star.”

Sabagay, different project ang Maricel-Maja dahil ‘yung pelikulang pagsasamahan sana nina Maricel at Maine ay si Eric Quizon ang director at si Eric ang nagpahayag ng kagustuhan na magsama sina Maricel at Maine. Umaasa ang fans ni Maine na matutuloy pa rin ang movie nila ni Maricel.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with