Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi nakakamangha ang ‘focus’
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 9, 2019 - 12:00am

Ang pagkakaroon ng focus kapag may gusto kang gawin sa buhay ang isang bagay na ipinakita ni Yasmien Kurdi sa lahat.

Hindi mo aakalain na may asawa at anak na si Yasmien pero natapos pa rin niya ang pag-aaral na good example ng madalas kong sabihin na basta gusto mo may magagawa ka na paraan.

Tingnan mo, madalas naman may taping si Yasmien, nag-aalaga pa ng anak, pero hayun at nakatapos ng college course.

Sa mga alaga ko pa naman, si Yasmien ang hindi ko masyadong sineseryoso dahil parang bata kapag kausap pero siya pala ang may focus sa buhay.

Matatag pala siya kapag pag may gusto na gawin at ma-achieve. Congrats again Yasmien, so proud of you.

Sylvia magpapasalamat!

Ang sarap naman ng feeling kapag marunong ang mga artista na magpasalamat dahil sa mga biyaya na natatanggap nila.

Diyan pinupuri si Yasmien Kurdi dahil madalas na may pa-lucky money sa mga presscon ng mga project niya.

Tuwing Christmas naman, looking forward ang entertainment press sa party ni Alden Ri­chards na very generous din.

Ngayon naman ang thanksgiving party ng Atayde family ni Sylvia Sanchez at ng kanyang mga anak na si Arjo at Ria Atayde ang pupuntahan ng entertainment writers.

Masarap isipin na sa dami ng blessings na dumarating sa mga Atayde, gusto nila na mag-share kaya sa tulong ni Eric John Salut, magbibigay sila ng thanksgiving party to thank all those people na tumutulong sa kanila.

Bravo Sylvia, type ko ang ugali mo na nagsi-share at gusto ko rin ma-meet ang mga anak mo na sina Arjo at Ria. Sure ako na mana sila sa inyo ni Art na mabait at sincere. Thanks Eric for the invite.

Tamang-tama ang thanksgiving party ng Atayde family dahil bukas ang opening day sa mga sinehan ng Stranded, ang pelikula nina Arjo at Jessy Mendiola na nagkaroon kagabi ng red carpet premiere sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Siguradong tatanungin din si Arjo ng mga invited press tungkol sa pelikula nila ni Jessy na pinrodyus ng Regal Entertainment Inc.

Sana suportahan ng moviegoers at ng fans ni Maine Mendoza ang Stranded para sumigla ang local movie industry at ganahan ang mga movie producer na gumawa pa ng maraming pelikula.

ER magsasalita sa isyung ‘di disqualified

Magpapatawag din daw ng presscon si former Laguna Governor ER Ejercito para pabulaanan ang fake news na disqualified na siya sa pagkandidato.

Malakas ang feeling ni ER na mga kalaban niya sa pulitika ang nagkakalat ng fake news na puwedeng makaapekto sa kanyang kandidatura dahil tumatakbo uli siya bilang gobernador ng Laguna.

Ipinagmamalaki ni ER na siya ang sinusuportahan ng Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ng presidential daughter at Davao City Mayor na si Inday Sara Duterte.

Hindi nag-iisa si ER dahil suportado rin ng Hugpong ng Pagbabago ang senatorial bid ni Bong Revilla, Jr.

Gaya ni ER, may apela si Bong sa mga kababayan natin na maging aware sa fake news dahil biktima rin siya ng mga balita na walang katotohanan.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with