Yasmien Kurdi
Yasmien nakatapos na WS
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 8, 2019 - 12:00am

Nakaka-proud naman ang mga artistang kahit nahihirapan ay hindi nila hinayaang matigil sila ng kanilang pag-aaral. Tulad na lamang ni Yasmien Kurdi, hindi lamang siya basta nagtapos ng AB Political Science, she graduated with a Magna Cum Laude honors from the Arellano University sa graduation nilang ginanap sa Philippine International Convention Center last Saturday, April 6.  Isang inspiration ito sa mga tulad ni Yasmien na kahit nagtatrabaho pero naka-graduate rin ng college. Kaya may advice si Yasmien sa mga working students na tulad niya.

“Finally I am beyond grateful and humbled. All the hard work for many years in College paid off.  To all the working students, never stop reaching for your goals and dreams in life! Do your best all the time.  Life is hard but you have to keep pushing forward. Feed your mind with positivity like ideas of success, not failure. Let life be a learning experience and always believe in yourself! Thank you Arellano University. To God be the Glory!”

Matagal nang dream ni Yasmien na makatapos ng college. At ang tanong kung itutuloy ba niya ito sa Law. Nang huli naming makausap si Yasmien, sa presscon ng morning teleserye niyang Hiram na Anak, wala pa raw siyang balak na ituloy ito sa Law.

“Dream ko po na makatulong sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW), dahil ganoon ang nanay ko, pero pwede rin na tulungan ko sila sa ibang paraan,” sabi ni Yasmien. “Pinag-iisipan ko pa po muna, kasi gusto ko munang magkaroon ng kapatid si Ayesha.”

Jessy pumiyok sa naudlot na paglipat

Nakausap namin si Jessy Mendiola na kasama ni Luis Manzano sa wake ni Mama Milagros Santos, lola ni Luis at mommy ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Natanong namin si Jessy bakit hindi siya natuloy lumipat sa GMA Network na dapat ay kasabay siyang lumipat ni Derek Ramsay at sabi’y makakasama rin siya sa TV series na The Better Woman na pagtatambalan nina Derek at Andrea Torres sa GMA7.

“Hindi pa po maayos ang pag-uusap nila, (yung nakikipag-negotiate kay Jessy sa GMA),” sagot ni Jessy. “Ayaw ko po namang lumipat na hindi pa maayos ang lahat. Wala po naman akong ginagawang bagong project sa ABS-CBN. Sa ngayon po ay busy na muna ako sa pagpu-promote ng movie namin ni Arjo Atayde, ang Stranded for Regal Films at showing na po kami sa starting sa Wednesday, April 10, in cinemas nationwide.”

Sanya ipa-partner kay Benjamin

Unang nabalita noon na may balik-tambalan sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, matapos nilang magtambal noon sa Haplos. Sabi, sila ang itatampok sa Dahil Sa Pag-Ibig, pero ang latest na nalaman namin, inalis na si Rocco sa said project at pinalitan na siya ni Benjamin Alves. Balitang may malaking project na gagawin si Rocco kaya no worries naman ang mahusay na actor kung pinalitan siya sa Dahil Sa Pag-ibig.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with