Marian manganganak na!

Ang tweet ni Marian Rivera na “Hola! Flora Vida will be closed for deliveries for the month of April because I am due to give birth anytime soon. You can still place your orders but the delivery date will resume in May 2019. Thank you very much for your understanding during this happy time.”

So, malinaw, hindi sa March na dumaan na, kundi this April due ang panganganak ni Marian. Hindi kasi nila sinasabi ni Dingdong ang exact date ng kanyang panganganak, kundi “soon” at “sa summer” lang ang isinasagot ng mag-asawa ‘pag natatanong sa due date ni Marian.

Claudine may bagong anak

May in-adopt o mag-a-adopt pala uli si Claudine Barretto na baby boy na pinangalanan niyang Noah. Nalaman ang tungkol dito sa sulat ng anak niyang si Sabina (una niyang in-adopt) na nagpasalamat kay Gretchen Barretto sa mga tulong nito sa kanya at sa mom niya.

Kasama sa sulat ni Sabina kay Gretchen ang drawing ng pamilya nila at kasama ang drawing ng isang bata na may pangangalan Noah.

Sa nagtanong kay Claudine kung si Noah ba ay ang bago niyang adoted baby? “yes sweetheart” ang sagot nito.

Napansin lang namin sa letter ni Sabina kay Gretchen, nag-thank you ang bata for paying her Kumon class at dance classes sa G-Force.

Anyway, hintayin nating ipakilala ni Claudine ang bago niyang baby na si Noah, ang pang-apat niyang anak.

Miles hindi bumitiw sa school

Si Miles Ocampo lang ang Kapamilya sa cast ng horror movie na Ma­ledicto dahil sina Tom Rodriguez, Inah de Belen at Jasmine Curtis-Smith ay pawang Kapuso talents. Nagbiro nga si Miles na sa promo ng movie na showing sa May 1, siya lang ang magpo-promote sa ABS-CBN dahil ang tatlo, sa GMA-7 shows magpo-promote.

Natutuwa si Miles na dahil sa Maledicto, nagkaroon siya ng experience to be working with artists from different network.

Hindi na tinapos ni Miles ang presscon dahil papasok pa siya sa school, bagay na pinuri siya ng mga reporter dahil hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral kahit busy siya sa kanyang showbiz career.

Sa Maledicto, ginagampanan ni Miles ang role ni Agnes, ang na-posses at pagtutulungan nina Fr. Xavi (Tom) at Sister Barbie (Jasmine) na lutasin. Si Mark Meily ang director ng pelikulang produced ng Fox Networks Group, Unitel at Cignal Entertainment.

Show comments