^

Pang Movies

Jak may ‘violent reaction’ sa Darna epek ni Sanya!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Protective kuya ang dating ni Jak Roberto sa kanyang reaksyon sa edited photo ni Sanya Lopez na nakasuot ng Darna costume. Kumalat ang larawan magbuhat nang mabuksan na naman ang selection for Darna role matapos ang withdrawal ni Liza Soberano.

Ipinost ni Jak ang photoshopped na picture ay sa caption ay tila pinapagalitan niya ang nakababatang kapatid.

“@sanyalopez ano nanaman tong nababalitaan kong nagbibida-bida ka sa twitter? Hayy bida-bida. Sino kaya nag edit neto, kaylangan ko nang mahanap ang pamalo ko sa lalong madaling panahon,” ang caption ni Jak.

Lambing ni Jak eversince sa kapatid ang pamalo at bida-bida lines. Sa tuwing may mga sexy scene si Sanya or mga medyo daring na ginagawa, binabanggit ito ng aktor sa younger sis.

Marami naman ang naaliw sa reaksyon ni Jak pero ang dami ring komentong bagay naman daw talaga si Sanya for Darna role.

Pero ‘yun nga, alam din naman ng mga netizen na malabo ang posibilidad nito dahil Star Cinema ang producer ng Darna na film arm ng ABS-CBN habang si Sanya ay Kapuso star naman.

Although pwede kung sa pwede, pero parang too early naman for Sanya to cross over, but of course, you can never tell pa rin.

Bianca nakakuha ng simpatya

Bumuhos ang suporta at concern ng Kapuso viewers at netizens kay Bianca Umali bilang Sahaya dahil hindi ito sumuko na ipaglaban ang kanyang karapatan na hiranging class valedictorian.

Tagos sa puso at nakuha ni Sahaya ang simpatya ng manonood na huma­nga sa kanyang lakas ng loob, paninin­digan at pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng lahat ng humahadlang at bumabatikos sa kanyang pagkatao bilang isang Badjaw.

Jasmine first time masali sa Exorcism

Panay “thank you” lang ang nasabi ni Jasmine Curtis nang mahingan siya nang reaksyon sa presscon ng horror film niyang Maledicto tungkol sa mga papuring natatanggap sa portrayal niya bilang young Manisan sa Sahaya.

Aniya ay ginagawa lang niya talaga ang lahat ng makakaya niya in every project that she does and siyempre, nandu’n daw ‘yung hope na sana mapansin ng mga tao ang effort niya kaya thankful naman daw siya kapag napapansin talaga.

Sa Maledicto ay iba naman ang karakter na ipakikita niya bilang si Sister Barbie. Exorcism ang tema ng pelikula at first time gumawa ni Jasmine ng ganitong pelikula.

Showing na ang Maledicto sa May 1 mula sa direksyon ni Mark Meily. Kasama rin sa movie sina Tom Rodriguez, Miles Ocampo at Inah de Belen hatid ng Fox Philippines, Cignal at Unitel.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with