^

Pang Movies

Vice mas magaling sa volleyball

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Vice mas magaling sa volleyball

Sa basketball player madalas i-link si Vice Ganda. Knows mo naman kasi ang kalidad ni Vice sa larangan ng komedya, mapagbiro na nadadala niya ang fans at ang lahat ng shows niya sa TV.

Pero the truth, dapat sa volleyball siya pag-usapan dahil isa siyang magaling na volleyball player. Una kong nakilala si Vice Ganda sa isang palaro ng volleyball, bukod sa kilala ko siya as showbiz personality. Nang magpakilala ako sa kanya sa Golden City, Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna with his handsome teammates sa invitation ng aming Brgy. Captain Peing Cartaño, na-sight ko sa crowd si Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez, sina Mark Herras, Alden Richards, Sugarpop Enzo Almari, at ang Magno Twins na pawang sikat na ngayon sa showbiz at may mga pangalan na rin.

Sa totoo lang ang daming good looking guys sa loob ng Golden City.

Back to Vice Ganda tayo, sikat na si Vice noon pa man at alam natin na patuloy sa pagkinang ang kanyang kasikatan dahil ibinabalik lang niya ang ibingay sa kanya ng Panginoong Diyos. Hindi lahat ay alam ang busilak na puso ni Vice Ganda. Ilan lang naman ang nakakaalam na tumutulong siya sa mga taong hikahos na walang trabaho, labas pasok sa ospital, sa mga kailangan ng pampalibing, pero silent lips lamang ang komedyante. No talk siya dahil alam niyang siya ang may kakayahan na makatulong.

Kaya, pagpalain ka ng Panginoong Diyos, Vice!

Ken kinainisan at Kinaaliwan!

Sa wakas, pahinga na tayong home viewers sa My Special Tatay ni Ken Chan. Ang MST ay tungkol sa batang ama na si Boyet na may mild intellectual disability. Maganda ang pagkakagawa ng nasabing role ni Ken. Tipong maiinis ka at matatawa.

Congratulation din at karapat-dapat purihin ang group of writers and director ng MST. Lahat daw ng member of the cast ay nalungkot at napaiyak.

Mabuhay kayo!

Personal…

Sorry po kasi may nag-text sa akin na taga-Balibago, Sta. Rosa. Nabasa raw po sa aking column dito sa PM (Pang-Masa) ang bagong bukas na resto ng puro Pinoy food ang specialty at ang special almusal de longga de lucban na homemade. Hindi ko pala nabanggit kung saan ito matatagpuan. Ito po ang Reese Kitchen sa Phase 3 beside clubhouse ng Golden City, Sta. Rosa. Ang nagpundar ay ang mag-asawang Dante at Cecile. Ang chef ay walang iba kundi ang kanilang unico hijo!

Anyway, gusto kong mag-hello kina RJ, Seth, Steve, at Aya!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with