Arjo sinamahan si Maine sa pag-aayos bago magpunta sa awards night!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, walang Arjo Atayde na nag-escort kay Maine Mendoza sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) noong Sunday.

Ang ArMaine fans kasi nila ang nagkuwentong sisipot si Arjo sa Star Theater para suportahan si Maine, pero hindi nga nangyari ‘yon.

Pero may nagpadala sa akin ng link kung saan pinost ng ibang mga fan ang pictures habang nasa Sofitel Hotel si Maine na obviously ang kasamang naka-red cap at gray t-shirt ay si Arjo.

Mukhang sinamahan nga muna ni Arjo si Maine sa Sofitel Hotel kung saan nag-ayos ang dalaga bago ito pumunta sa Star Theater para tumanggap ng award.

Sabi ng karamihan sa ArMaine fans na nakatsikahan ko, ang sweet naman daw ni Arjo kay Maine, huh!

Wow!

Pops hinahanapan ng lovelife na makakasama sa tour

Noong isang araw pa nakabalik ng bansa si Pops Fernandez.

Galing sa Los Angeles, California, si Pops.

Sabi niya, kahit pagod pa, sabak na kaagad siya sa trabaho.

Inaayos niya ‘yung tungkol sa Feelinials movie ni AiAi delas Alas at Bayani Agbayani na isa siya sa producers.

Ang isa pang inaayos na rin daw ay ang concert niya niya sa Amerika!

Ooops! Hindi solo ni Pops ang concert tour na ‘yon at tiyak na marami na naman ang kikiligin kapag nalamang si Martin Nievera ang makakasama niya roon, huh!

Wow na wow talaga dahil tiyak na matutuwa ang mga fan nila sa tsikang ‘yon.

So, siya ba ang promoter ng US concert tour nila ni Martin?

“Hindi naman!” Sa ngayon daw, hindi pa complete kung saan-saan sila magko-concert sa Amerika, kaya hintayin na lang daw ang list.

Teka! Kung kay Martin ay tiyak na kasama si Anj na girlfriend nito at friend naman niya, sino naman kaya ang makakasama ni Pops sa US concert tour nila?

Aba, dapat by that time ay may boyfriend na uli si Pops, huh!

Tutal naman ay palaging pinag­dududahan na may love life siya dahil nga palagi siyang blooming, siguro by that time dapat ay may boyfriend na uli siya, ‘noh?!

Agree?!

Ken at Rita malungkot sa paghihiwalay

Ramdam ko ang sadness na nararamdaman ngayon ng BoBrey nina Ken Chan at Rita Daniela.

Magtatapos na kasi sa Friday ang My Special Tatay afternoon series nila.

Kung ang viewers lang ng My Special Tatay ang masusunod, gusto pa nilang magpatuloy ang series na ‘yon.

Pero desisyon nga ng GMA-7 executives na tapusin na ‘yon.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with