Jolina inamin na ang ‘balikan’ nila ni Marvin
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Jolina Magdangal happily announced sa programa nilang Magandang Buhay nina Karla Estrada at Melai Cantiveros, that she and former screen partner Marvin Agustin, are going to reunite in a movie soon.

Hindi pa siya puwedeng magsalita tungkol sa iba pang detalye ng kanilang proyekto, except daw that they will have a hand sa ilang aspeto nito, halimbawa, the story and script. Plus of course, who will direct it.

In their years as a love team, palaging hit ang projects nila together, mapa-pelikula o TV.  They now have individual responsibilities to attend to. Although, they are still in touch.

Common knowledge na happily married na si Jolina with former band member, Mark Escueta, with whom she has two children, a boy and a girl.

Still single naman up to this day si Marvin pero may anak na siya, ang kambal na sina Sebastian and Santiago, now both in their teens. Their mom is Tetet Dy, who owns a pre-school in one of the Scout areas in Quezon City and belongs to the prominent and affluent Dy family in Isabela.

Marvin is a highly successful restaurateur. He occasionally, like Jolina, accepts showbiz assignments.

Unlike Jolina, though, Marvin has ceased to be a Kapamilya. He is now a Kapuso talent.

Love story nina Jason at Melai, may period na?

Posible nga raw na maghiwalay ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francico na almost six years nang kasal. May dalawa silang anak na parehong babae.

Unique na maituturing ang pag-iibigang namagitan sa dalawa. They were housemates sa tinaguriang Bahay ni Kuya in one episode of the reality show, Pinoy Big Brother (PBB).

Their wedding in December 2013 in General Santos City, where Melai was born and grew up, was the talk of the town. One of their wedding sponsors was Kris Aquino.

For a time, Jason, like Melai, did shows for the Kapamilya, too. Pero lumipat na rin ito sa Kapuso.

Melai is currently busy with two shows, which allow her to be seen on TV everyday. Aside from Magandang Buhay, she co-hosts too, the ongoing PBB Otso, with the Gonzaga sisters, Toni and Alex, Kim Chiu, Robi Domingo and occasionally Bianca Gonzales.

Angelica at Zanjoe may kilig ba pagkatapos ng Playhouse?

Ngayong nagtapos na ang trending series nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na Playhouse, may posibilidad kayang ang hula ng marami na may mabubuong pag-iibigan between them ay magkaroon pa ng kaganapan?

Sa huling interview between them ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice (GGV), inamin nina Angelica at Zanjoe na may kilig silang nararam­daman sa isa’t isa. Kahit daw noong obvious na naka-focus ang atensiyon ni Angelica kay Carlo Aquino.

Right now, of course, both Angelica and Zanjoe admit they are loveless. Medyo matagal nang ‘di nai-inlove si Zanjoe seriously mula ang mag-break sila ni Bea Alonzo, whose love of her life now is Gerald Anderson.

In an interview, Angelica reveals, it may take time daw bago siya ma-inlove muli. Hindi man niya tuwirang aminin, masyado siyang nasaktan sa pag-asang for the third time magkakabalikan sila ni Carlo Aquino.

In time, hope niyang the right man will come along, someone na totohanin na siya.

Well, good luck, Angelica.

Atty. Hilbay impressive ang credentials

Isang genuine na binata si Atty. Florin ‘Pilo’ Hilbay at 45 ang ngayo’y napapabalitang senatoriable boyfriend ng singer-actress na si Agot Isidro.

Sampung taon nang hiwalay si Agot sa kanyang ex-husband na si Manu Sandejas.

Samantala, huwag iisnabin ang credentials nitong si Pilo, dahil topnotcher lang naman siya sa 1999 Bar Exam.

Naging solicitor general si Pilo during the term ni President Noynoy Aquino, from 2011 to 2016.

Isa rin siyang law graduate sa University of the Philippines, Yale Law School at University of Singapore.

Someone whispers to me na bago maging sila ni Agot, isang fellow lawyer muna ang kanyang naging girlfriend.

JOLINA MAGDANGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with