Richard Reynoso success ang anim na oras na operasyon sa lalamunan!
Gorgy Rula (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumaan pala sa operasyon ang singer na si Ri­chard Reynoso na tinawag niyang Thyroidectomy nung nakaraang Sabado.

Ipinost niya sa kanyang Facebook account kahapon ang kuha niyang nasa hospital, kalalabas lang ng operating room.

Sabi niya; “Halehalehoy! It was a successful operation. Dr. Rene Chan and his group did a fantastic job.”

Dagdag na kuwento ng miyembro ng OPM Hitmen; “It took them 6 hours kasi iningatan talaga nila na walang tamaang nerves habang tinatanggal ‘yung thyroid.

“No lymph nodes present kaya di pa kumakalat ‘yung cancer cells. No hoarseness sa boses ko.

“Medyo mahapdi lang lumunok but tolerable naman.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

“In a month or two, we’ll see how my singing voice turns out. Happy Sunday everyone.”

Ang benta pa naman ng grupong ito sa shows, at isa si Ri­chard sa talagang hinihiling. Kaya dapat na magpagaling na siya.

Snooky kinikilig pa rin kay Albert hanggang ngayon

Bawal naman magkasakit ngayon si Snooky Serna dahil sa rami ng ginagawa niya sa ngayon at naka-focus pa siya sa bagong drama series niya sa GMA-7 na Sahaya.

Natutuwa si Snooky sa magandang feedback sa kanya sa Sahaya, dahil talagang pinag-aralan daw niya nang husto ang role niya rito bilang si Salida na kontra sa buhay nina Manisan at Sahaya.

“Nagulat ako it was more than just a supporting role. Siya yung pivotal dun sa ano eh…siya yung main antagonist eh,” pakli ni Snooky.

Kahit medyo nahirapan daw siya sa make-up, okay lang sa kanya dahil kailangan medyo maitim siya rito.

Pero sa mga susunod na episodes daw, kailangang maputi na siya, at iyun daw ang aabangan, bakit siya pumuti. Hindi naman daw siya nag-glutathione sa kuwento.

Dahil sa daming papuri na natanggap ni Snooky, hindi pa rin maiwasang pagkumparahin sila ni Maricel Soriano na nasa The General’s Daughter na katapat ng kanilang Sahaya.

Natatawa na lang si Snooky dahil tapos na raw sila sa anung intrigahan.

Tingin naman daw niya, wala na kay Marya yun at ipagkibit-balikat na lamang niya ito. At ayaw daw niyang isiping mas malaki ang role niya kesa sa gina­gampanan ni Maricel sa kabilang teleserye.

“We’re too old for that na. Kanya-kanyang ano lang yan…I’m sure she’ll be able to get yung…I’m sure lalaki pa yung role niya at mas magiging meaty pa. Mas magiging maganda pa yung role niya,” sabi ni Snooky.

Pero nasa The General’s Daughter din pala si Albert Martinez, kaya kinantiyawan itong pinagtulu­ngan na siya ngayon nina Albert at Maricel.

“Baka mamaya sabihing ginagamit ko siya,” pakli ni Snooky.

Pero aminado si Snooky na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin pala siya kay Albert

“In a way…siyempre ang guwapo guwapo pa rin naman ni Albert up to now, hindi nagbabago,” nakangiti niyang pahayag.

Wala lang daw malisya, pero hindi raw niya makakalimutan si Albert dahil first love naman daw niya ito.

“First love never dies naman. I mean, I can ho­nestly say this with all my love to Vice Governor Ramon Villarama.

“Kasi, yung first love may ibang kilig yan eh,” napapangiti niyang pahayag.

Kaya maituturing daw niyang ‘one great love’ si Albert. Si Ricardo Cepeda, na pinakasalan niya ang kanyang ‘one true love’, at ang kasalukuyan niyang karelasyon ngayon na dating Vice Go­vernor Ramon Villarama ang kanyang ‘forever love’.

                                                               

RICHARD REYNOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with