Richard Gomez nabuko ang politician na sumisira sa pangalan nila ni Lucy Torres!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Kung inabot ninyo ang panahon ni Richard Gomez noong araw, na mainitin pa ang ulo, aba ewan lang kung ano ang kalalagyan ninyo basta nagalit iyan. Pero through the years, dahil nagkaka-edad na rin naman, malaki na ang ipinagbago ni Goma. Para bang mahirap na siyang pikunin. Hindi na siya basta nagre-react sa mga sinasabi ng mga tao kagaya noong araw.

Pero kung sobra na talaga, mahirap mo namang masabing hindi siya magsasalita.

Nakatanggap nga siya ng message mula kay Phillip Salvador na nagkukuwento tungkol sa isang pulitiko na wala raw ginawa kung ‘di siraan sina Goma at Lucy Torres-Gomez. Sinasabi pa raw na si Lucy ay disqualified na sa tinatakbuhang posisyon. Ang una raw nag-react ay si Robin Padilla na katabi ng naninirang pulitiko sa upuan. Sabi raw ni Robin, “sorry pero ang sinisiraan ninyo kaibigan namin.” Tapos noon sabay na raw tumalikod ang dalawa sa pulitiko.

Nang marinig ang kuwento, natural lang na uminit din ang ulo ni Goma at nagpaliwanag kung bakit ganoon na lang ang paninirang ginagawa sa kanila ng sinasabing pulitiko.

Ganyan naman talaga ang pulitika. Ang hindi lang alam ng ilang pulitiko, iba ang samahan sa showbusiness. Kahit na sabihin mo ngang minsan ay nagkakaiba-iba ng opinion, basta may taga-labas na naninira sa kanilang kasama, aba eh magre-react ang mga iyan. Lalo na nga sa kaso ni Goma na sa totoo lang wala namang masamang ipinakisama sa showbusiness.

Sabihin mo man ngayong si Goma ay tatlong taon na ngang mayor ng Ormoc City, para sa mga taga-showbiz, siya ay isa pa ring actor at siya ay isa pa rin sa kanila. Kaya siguro kahit na sino ang makarinig ng mga paninira kay Goma, magre-react.

Sunshine umalma sa mga nangingialam ng mga social media users

“Wala kayong pakialam sa buhay ko,” maliwanag at medyo mataray nang sagot ni Sunshine Dizon sa isang pakialamerang netizen na nakikialam pa sa samahan nila ng asawang si Timothy Tan. Bagama’t matagal na silang hiwalay, nagkakasundo naman sila bilang mga magulang ng kanilang mga anak. Tama rin naman si Sunshine na hanggang ngayon, legally ay mag-asawa rin sila dahil tinututulan naman ni Timothy ang matagal na niyang gustong annulment ng kanilang kasal.

Kung iisipin iyang mga ganyang bagay, walang may pakialam talaga. Kung iyong mga magulang nila hindi nakikialam sa kanilang desisyon, ano nga ba ang karapatan ng mga taong ni hindi man lang nila kilala para magsabi kung papaano sila dapat mamuhay?

Minsan talaga, marami sa social media ang bastos.

Magdyowang artista nag-ala ninja sa theme park para di makilala!

May takip pa sa mukha na akala mo mga ninja ang mag-syotang stars nang pumasok sa isang theme park para mamasyal kasama ang kanilang mga kaibigan. Hindi mo naman masisi dahil nagpunta nga naman sila roon para mag-enjoy eh kung kukulitin naman sila ng mga taong makakakita sa kanila, baka mainis pa sila. Lalo’t alam nila na may mga ayaw sa kanilang inaming relasyon. Pero ano nga ba ang pakialam ng mga tao kung sila ang naging totoong mag-syota?

Wala namang pakialam kahit na sino sa personal na buhay ng mga artista kung iisipin eh. Mayroon lang fans na akala nila mapapasunod nila ang mga artista sa kagustuhan nila.

LUCY TORRES-GOMEZ RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with