^

Pang Movies

Maine Mendoza inaasahang ipu-push ang bagman ni Arjo Atayde

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Philstar.com
Maine Mendoza inaasahang ipu-push ang bagman ni Arjo Atayde
Arjo Atayde

Ngayong araw mag-uumpisa ang socio-political action drama series ni Arjo Atayde sa streaming service na iWant na susuungin ang masukal na mundo ng pulitika at mga makapangyarihang tao.

Gagampanan ni Arjo ang isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya pero dahil sa road-widening project ng munisipyo, nanganganib na ma-demolish ang sarili niyang barbershop na siyang pinagkukunan niya ng pang-araw-araw na kita.

Dahil buntis ang asawa, papayag si Benjo na gawin ang isang maliit na misyon para maisalba ang kanyang barbershop. Para kumita ng karagdagang pera, papayag siyang maging bagsakan ang barbershop ng mga kahina-hinalang transaksyong maaaring magpahamak sa buhay niya.

Hindi kalaunan ay masisilaw si Benjo ng pera at kapangyarihan at pagsisilbihan ang gobernador ng kanilang probinsya bilang “bagman” nito.

Simula nito, unti-unting tatalikuran ni Benjo ang kinasanayang buhay at sariling paninindigan upang ilakad ang iba’t ibang transaksyon ng kanyang among pulitiko.

Ipinrodus ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang Bagman, kung saan kasama rin sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre, at Raymond Bagatsing.

Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo. Ang unang anim na episodes nito ay magiging available sa iWant starting today. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes naman sa Abril 3.

So maaasahan kaya ang panonood ni Maine Mendoza ng Bagman?

Sa presscon ng Bagman, sinabi ni Arjo na masaya siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng bashers tungkol sa kanila ni Maine. “I’m very, very happy. I think that’s what matters now. The career  is taking care of me, my personal life is good right now. I’m really happy. Kuntento po ako,” sabi ni Arjo.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with