^

Pang Movies

Alden Richards noon pa dapat ipinareha sa iba

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden Richards noon pa dapat ipinareha sa iba
Alden Richards

Wow, at least may gagawin na project si Alden Richards sa Star Cinema na outside his comfort zone. Good sign dahil makikita natin sila ni Maine Mendoza na iba ang kasama at kapareha.

Kumbaga sa ulam, meron nang ibang rekado para makatikim tayo ng ibang pagkain.

How I wish na magkaroon sila ng iba’t ibang mga kapareha para maranasan naman nila ng ibang environment tulad ng ibang mga artista.

Tingnan mo si Dingdong Dantes, hasang-hasa na. Lalong nag-shine si Dingdong at nakita ang husay niya na bilang aktor nang ipareha siya sa ibang mga aktres.

Hindi kailangan na kapag may ka-loveteam ang mga artista, sila ang dapat na magkasama sa mga pelikula at teleserye. Dapat na mapanood din sila na katambal ng ibang mga artista.

Mas lalo pa nga na magniningning ang mga bituin nina Alden at Maine pag nahaluan ng kinang ng iba.

Isipin natin na kasama nila sina Daniel Padilla, Liza Soberano, at ibang mga artista, di ba ang ganda?

Ganyan ang dapat na nangyari noon pa man. Sana ngayon mas palaban ang Alden at Maine, mas matatag at matibay. Sige, ipareha pa sila sa ibang mga artista, go and grow.

Karla suportado sina Kathryn at Alden

How nice na suportado ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ng AlDub ang pelikula na gagawin nina Kathryn at Alden Richards.

May fans na nalungkot pero nangako na susuportahan nila ang Kathryn-Alden movie dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga idol.

Sila ang fans na malawak ang isip at tanggap na sa ayaw o sa gusto nila, ipapareha sa iba ang kanilang mga hinahangaan na artista.

Siyempre, suportado ni Karla Estrada ang movie project ni Alden at ng girlfriend ng kanyang anak na si Daniel.

Ang pelikula nina Alden at Kathryn ang isa sa mga natitira na movie project ng direktor na si Cathy Garcia-Molina na magre-retire sa showbiz ngayong 2019 dahil mag-migrate na sila ng kanyang pamilya sa ibang bansa.

Marami naman ang maligaya para kay Alden  dahil pinayagan siya ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Sure ako na masusundan pa ang project ni Alden sa Star Cinema tulad ng nangyari kay Dingdong Dantes na Kapuso star pero hindi nawawalan ng pelikula sa film outfit ng ABS-CBN Productions.

May mga faney na nag-comment na malaking blessing kay Alden ang Star Cinema movie dahil dumating ito sa panahon na inamin nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na exclusively dating ang dalawa.

Nasaktan ang ilang fans nina Maine at Alden sa nangyari pero sumaya uli sila dahil sa balita na makakapareha ni Alden sa pelikula si Kathryn.

TR shoes mabenta

Love ko ang TR shoes, ang rubber shoes na si Terrence Romeo ang endorser. Maganda at cute ang mga kulay ng TR Shoes kaya mabilis na maubos ang mga stock.

Si Nap Gutierrez ang unang nagkuwento sa akin na komportable sa paa ang TR Shoes na surprisingly, dream shoes kaya pinag-iipunan ng anak ni Romy na driver ko ngayon.

Sana marami pa ang products na i-endorse ni Terrence dahil effective endorser siya. Basta endorsement ni Terrence, ginagamit niya talaga, ang TR Shoes ang kanyang madalas na suot, umiinom siya ng Gatorade at palaging kumakain ng Chooks To Go.

Si Terrence ang mismong nagpapakita na ginagamit at kinakain niya ang mga produkto na kanyang ini-endorso kaya happy sina Sal at Cris, lalo na si Pia Romeo, ang kanyang pinakamamahal na partner.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with