^

Pang Movies

Alden ipinaglaban ang movie kay Kathryn!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden ipinaglaban ang movie kay Kathryn!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Heard na talagang inilaban daw ni Alden Richards sa APT Entertainment ang offer ng Star Cinema na pagsamahin sila ni Kathryn Bernardo. May movie contract kasi ang Pambansang Bae sa naturang produksyon kaya hindi siya pwedeng gumawa sa labas unless nga, ipagpapaalam at may permiso.

Noong una nga raw ay ayaw pang pumayag ng APT pero talagang inilaban ni Alden ang movie dahil gustong-gusto raw talaga nitong gawin, unang-una na ay dahil sa direktor na si Cathy Garcia-Molina na noon pa raw gustong makatrabaho ng aktor.

Sabi nga raw ni Alden sa meeting nang ma-meet si direk Cathy, fan daw siya ng direktor at kabisado nito ang mga linya ng pelikula nito.

Tulad nga ng mga naglabasan na sa social media, nagkaroon na ng storycon ang movie na wala pang title, last Tuesday.

Sa post nga ni Roxie Liquigan ng Star Ci­nema, nilagyan niya ito ng hashtag na #5monthspreparation which means 5 buwang trinabaho ang pag-oo ni Alden at pag-deal sa movie.

“Thank You @aldenrichards02 for accepting this movie project:) and thank You Philip’s Celebrity Access for paving the way:) #5months­Preparation,” caption ni Roxie.

Pati si Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla ay suportado ang KathDen tandem kaya natuwa naman ang fans sa positive feedback ngayon pa lang sa tandem.

“All out support for bernardokath and @aldenrichards02 movie this year!!!” tweet ni Karla.

Isang buwang isu-shoot sa HongKong ang movie bilang OFWs ang role nina Kathryn at Alden. Almost 90% ng movie ay kukunan sa nasabing bansa at mga set-up-set-up lang dito sa Pinas.

Jo Berry hindi makakalimutan sina Nora at Cherie

May sepanx (separation anxiety) na agad si Jo Berry sa pagtatapos ng Onanay this Friday, March 15.

“Sepanx na po ako agad. Nalulungkot ako, sepanx na ako agad sa kanilang lahat dito. Tsaka syem­pre, kay Onay,” sabi ni Jo nang dalawin ng press sa taping last week.

Ito ang first drama series ni Jo sa GMA-7 at nag-hit pa agad kaya masayang-masaya siya.

When asked kung ano ang gusto niyang maging ending ng show, aniya, “syempre, gusto ko po ng happy ending. Lahat naman tayo yun ang gusto, happy ending. Tsaka, sa lahat naman po ng pinagdaanan ni Onay, I think she deserves a happy ending with her family. With regards with Lucas (Wendell Ramos) naman po, hindi ko po alam kung anong gusto kong ending sa part na yun.”

At siyempre, ‘yung chance daw na makatrabaho niya sina Cherie Gil at Superstar Nora Aunor. Ano ang pwede niyang baunin na naituro sa kanya ng dalawang magaling na aktres?

“Yung scene namin sa pool, yung sinabi talaga ni Ms. Cherie sobrang touched talaga ako kasi may fear ako that day, tapos, talagang kinakabahan po ako noon.

“So, tahimik ako talagang naapektuhan ako ng scene nanginginig ako tas yung alalay niya sakin don ibang klase, na-touched talaga ako, sila ni Direk Gina (Alajar). Parehas po sila, tapos, sabi ni Ms. Cherie sakin, ganon talaga as an actress, as an actor, dadating tayo sa point na yung mga kinakatakutan nating bagay kailangan nating gawin,” kwento ni Jo.

“Tapos, kay Nanay naman po, yung unang unang bilin niya pa lang niya sakin, parang first few weeks niya yun sinabi niya sakin na wag daw akong magbabago. Dapat parati pa rin akong in feet, nasa lupa, yung pakikitungo ko sa mga tao ganon pa rin kahit na sumikat na o magkaroon na ng iba’t ibang projects,” sey pa ni Jo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with