Swimwear ni Nadine hanggang 40 lang!

Nadine Lustre

Ang paalala ni Nadine Lustre na “my swim collection hits the stores on Thursday! (today). I’m so excited. Do check out our awesome campaign video. #NadineforHM #SelectedbyNadine.”

Collaboration ito ni Nadine with H&M na kung saan siya ang 1st Filipina Ambassador.

Ang gaganda ng swimwear collection ni Nadine at hindi kami magugulat kung’yung 40 pieces ng swimwear ay mabilis maubos, kaya kakailanganing maglabas uli ng second batch.

Sunud-sunod ang events ni Nadine dahil pagkatapos ng showing ng Viva Films movie na Ulan kahapon, ngayon naman ang launching ng kanyang Seleted by Nadine swimwear collection.

Susunod nito ang rehearsal nila ni James Reid sa production number nila sa The CR3W concert with Sam Concepcion and Billy Crawford. Si Nadine kasi ang special guest ni James sa nabanggit na concert sa April 5, sa Smart Araneta Coliseum.

Jasmine may bed scene kay Gil

Baka sa second week pa lumabas si Jasmine Curtis sa flashback scenes ng Sahaya bilang si Manisan sa epic-drama series ng GMA 7 na sa Monday na, March 18, ang simula ng airing after Kara Mia.

Si Jasmine ang gumaganap na young Mylene Dizon at may bed scene sila ni Gil Cuerva na gumaganap naman sa role ni Harold, nakabuntis kay Manisan at ama ni Sahaya (Bianca Umali). Pero sabi ni Jasmine, nagkatabi lang sila sa papag ni Gil at PG-13 ang rating ng Sahaya.

Sa mga nagulat na gaganap siyang ina sa Sahaya, sabi ni Jasmine, 24 years old na siya at nasa tamang edad na siya kahit sa totoong buhay na maging ina.

Second project na ni Jasmine sa GMA 7 ang epic-drama series sa direction ni Zig Dulay na pinuri ni Jasmine.

Therese kinaiinisan

Ang dami nang naiinis na viewers ng Inagaw na Bituin kay Therese Malvar dahil effective na kontrabida ang hitad. “Ingleserang kontrabida” ang tawag sa kanya ng viewers at gustung-gusto nila ‘pag nag-i-Ingles na ito, umiismid at tumataas ang kilay sa pang-aapi kay Kyline Alcantara.

Kung noong una, kabado pa si Therese na baka hindi niya magawa ang maging kontrabida, ngayon, wala na siguro siyang duda sa kanyang sarili dahil kering-keri niya maging very bad.

Samantala, guest ang young actress sa Saturday (March 16) episode ng Magpakailanman na may pamagat na Anak, Bakit Ka Nagkaganyan.

Ginagampanan ni Therese ang role ni Erika na nakuha ng drug syndicate at si Lotlot de Leon sa role ni Mawi, ina ni Erika. Mula ito sa direction ni Adolf Alix, Jr.

Show comments