Showbiz mother at anak na nagkagalit dahil sa pera, nagkaayos na

Mabuti at mabilis na naayos ang tampuhan ng showbiz mother and daughter dahil na rin sa mabait ang aktres at pinatawad ang kanyang ina na may nagawang ikinasama ng loob ng aktres.

 

We won’t go into details at bawal ding magbigay ng clue para maiwasang makilala ang mga bida sa blind item na ito at ang masasabi lang namin, may kinaalaman sa pera ang naging isyu ng mag-ina.

May malaking halaga raw na ipinagkatiwala ang aktres sa kanyang ina para sa isang big project ng aktres. Nalaman nitong hindi napupunta sa kanyang big project ang ipinagkatiwalang pera sa ina dahil sa iba ginamit ng nanay niya. Pero gaya nang nabanggit namin sa unahan, nagkasundo rin ang dalawa dahil na rin sa pinatawad ng anak ang kanyang ina. Kaya, all’s well than ends well.

Sen. Nancy pa-suspense pa kung sino kina Abby at Junjun ang susuportahan

Pinuri ng mga reporter si Senator Nancy Binay dahil kahit six years nang naninilbihan na senador, nanatili siyang simple sa ayos at kilos. Manipis na make-up at saka pa lang naglagay ng lipstick at simpleng damit ang suot ni Sen. Nancy nang ma-interview ng entertainment press kahapon.

Tinanong namin siya kung bakit nanatili siyang simple?

Ang isinagot, hindi niya nakalimutan ang payo sa kanya ng kanyang inang si Dra. Elenita Binay na “kung ano ka pumasok dapat ganun pa rin paglabas.”

Isinapuso at hindi nakalimutan ni Sen. Nancy ang payo ng ina, kaya kahit pa siguro muling manalo at manilbihang senador, hindi magbabago ang kilos, pananamit at pananalita niya.

Pwede pa siyang matsika dahil nang banggitin naming may mga pamangkin kami sa South Cembo, Makati, nabanggit na nagkaroon ng sunog sa lugar na ‘yun. Inalam ang address ng bahay ng pamangkin namin at mabuti’t hindi nadamay sa sunog.

Hindi pala kasama sa slate ng Otso Deretso at Hugpong Pagbabago ni Davao Mayor Sara Duterte si Sen. Nancy, solo siyang nangangampanya at minsan, naimbita sa political rally ni Sen. Grace Poe, kaya nagpapasalamat na nakakasama pa rin siya sa Top 12 ng senatoriables.

Anyway, hindi deretsong sinagot ni Sen. Nancy kung sino sa mga kapatid niyang sina Makati Mayor Abby Binay at Junjun Binay ang susuportahan niya sa darating na eleksyon. Hintayin na lang daw ang simula ng kampanya at kung kaninong stage siya aakyat, yun ang kapatid na susuportahan niya.

Alden bina-bash agad sa team up nila ni Kathryn

Sanay na si Alden Richards na naba-bash kahit ng sari­ling fans, kaya hindi na ito magugulat na may ilang AlDub fans na ayaw matuloy ang nababalitang pelikulang gagawin nila ni Kathryn Bernardo. Kahit wala pang kumpirmasyon ang Star Cinema at GMA Artist Center, sinimulan na ang pamba-bash kay Alden.

Paano kung natuloy ang pelikula nina Kathryn at Alden, iiwanan siya ng AlDub fans na hindi pabor sa team up ng dalawa?

Speaking of Alden, noong una, ginawang private ng basher nito ang Twitter account na nag-comment na baka leading man ang gusto ni Alden. Sinagot kasi siya ng ama ni Alden na si Mr. Richard Faulkerson ng “Sir, please prove it. Thank you.”

Sinugod ng fans ni Alden ang basher, hindi kinaya ang pagdepensa ng fan sa aktor, ayun, ginawang private ang Twitter niya at kalaunan, deactivated na. Hindi nito napanindigan ang pamba-bash kay Alden.

Show comments