^

Pang Movies

Panliligaw noon ni Ogie kay Ina, nabuking!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Panliligaw noon ni Ogie kay Ina, nabuking!

Alam mo, Ateng Salve, sayang at nasa Osaka, Japan kayo ngayon nina Manay Lolit Solis, na-missed n’yo tuloy ang saya sa pocket interview kahapon nina Ogie Alcasid at Ina Raymundo para sa pelikula nilang Kuya Wes na showing na sa March 13.

 

Nabuking kasi na nanligaw pala noong araw si Ogie kay Ina, pero, “May girlfriend kasi siya that time!” sabi ng hanggang ngayon ay kilala pa rin bilang Sabado Nights girl.

Bale 1994 nang magpa-cute raw si Ogie kay Ina, pero wala namang nag-prosper dahil nga may karelasyon that time ang singer/songwriter.

“Nagte-taping kasi kami noon para sa Tropang Trumpo nang biglang dumating si Ina, ang ganda,” sabi naman ni Ogie.

Tinukso-tukso sila ng entertainment press at game na game naman sina Ogie at Ina.

That time raw, may pagka-pilyo pa sa chicks si Ogie, pero matagal na nga raw ‘yon.

Actually, nang magpakasal nga raw sila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid, na-confessed na ni Ogie ang lahat-lahat sa Asia’s Songbird.

“Sinabi ko na sa kanya ang lahat, ‘tapos nag-react pa nga siya dahil ‘yung sa iba, girlfriend ko na raw siya. Pero si Regine na lang naman talaga,” sabi pa ng bida ng Kuya Wes.

Gusto nga rin ni Regine si Ina at natutuwa ang misis ni Ogie sa partnership nila sa Kuya Wes.

“Nang manood nga kami ng Kuya Wes, si Regine ‘yung tawa nang tawa,” sabi ni Ina.

Binuking din ni Ina na tinanong siya ni Ogie kung tagasaan siya, ang sabi niya, taga-Meycauayan.

“Biniro ko pa si Ina kung marami bang kawayan sa kanila (sa may Meycauayan nga kasi ang lugar ng sexy actress),” natatawang sabi pa ni Ogie.

Sabi ni Ina, dumalaw pa si Ogie sa bahay niya noon sa may San Juan.

Pero hindi man nagkarelasyon ang dalawa, nauwi naman sa friendship ang kanilang samahan.

Masaya nga sila na sila ang magkapareha sa Kuya Wes.

Oo nga pala, ‘yung Kuya Wes na ipapalabas sa mga sinehan ay ‘yung tinatawag nilang “commercial cuty” kaya tiyak daw na magugustuhan ito ng mga manonood.

Siyempre, kapwa umaasa sina Ogie at Ina na susuportahan ng mga fan ang kanilang pelikula at sigurado raw na worth it ang ibabayad ng mga ito sa mga sinehang magpapalabas ng Kuya Wes!

Snooky natutong mag-ipon

Mapapanood si Snooky Serna sa bagong series ng GMA-7, ang Sahaya.

Hindi man guaranteed contract star ng Kapuso network si Snooky, mukhang loyal na loyal naman siya sa nabanggit na TV network.

Hindi katulad ng ibang mga artista si Snooky na pagkatapos sa Siyete, lipat naman sa ABS-CBN.

Mukhang okey rin sa aktres na kapag natapos ang isang series niya ay pinagpapahinga muna siya bago bigyan ng bagong project.

Noong December nagtapos ang Pamilya Roces at after three months nga ay may bagong series na naman si Snooky.

Mukhang hindi naman problemado na sa pera si Snooky, kaya okey lang sa kanya na walang trabaho ng ilang buwan.

May nagkuwento nga sa akin na natuto na rin daw ka­sing mag-ipon si Snooky.

Kapag may series, hindi na winawaldas ng aktres ang lahat ng kanyang mga kinikita.

Kumbaga, nagtatabi na siya for the rainy days.

Sa March 18 na nga pala ang pilot telecast ng Sahaya at sa Monday ay magkakaroon ng press launch ang series na ito na pagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with