^

Pang Movies

Charo Santos-Concio walang paki kahit support lang kay Bea Alonzo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Charo Santos-Concio walang paki kahit support lang kay Bea Alonzo
Bea Alonzo at Charo Santos-Concio

Si Bea Alonzo na ang sumagot nang matanong si Charo Santos-Concio sa presscon ng Eerie kung may chance ba na manalo rin siya ng award just like in her first movie, Itim in 1976 kung saan ay nanalo agad siyang Best Actress sa Asian Film Awards.

“Definitely,” ang sagot agad ni Bea. “She was so good in this movie.”

Ayon naman kay Charo, “what can I say? I just gave my best. Alam mo naman, kanya-kanyang mata ‘yan, kanya-kanyang perspektibo ‘yan, di ba? Wala sa aming mga kamay.”

Pero may mga nakapansin din na parang support lang si Charo sa movie at si Bea talaga ang bida at para sa dating Presidente ng ABS-CBN, okay lang daw ito sa kanya.

“Okay lang ‘yan, di ba? May kasabihan nga, para sa isang tunay na artista, walang malaki o maliit na role. You are there for your passion for the craft.

“At gusto ko ‘yung kwento. Gusto kong gawin ‘yung pelikula. Gusto ko silang makatrabaho.

“May kailangan bang iba pang rason?” sey ni Ma’m Charo.

Nang matanong naman si Bea kung ano ang eksena ni Charo sa movie na talagang nagalingan siya at tumatak sa kanya, sabi ng aktres, “oh my God, sa dulo may revelation.”

Ayon sa aktres, sa dulo raw ay may paliwanag sa role ni Charo na talagang magugulat daw tayo sa ipinakitang husay ng Asia’s Best Actress.

“Dahil ako, in awe rin ako after that scene. Hindi ko alam, parang nawala rin ako sa eksena while doing it,” sey pa ni Bea.

Sobrang in awe raw niya, may mga ingay daw pala habang ginagawa ang scene pero hindi na niya napansin dahil sa sobrang nadala raw siya sa eksena.

“Actually, it was the most frightening scene,” sabi naman ni Charo.

Maria ni Cristine, bitin!

Napanood namin ang Maria sa special screening na ginanap sa UP Cine Adarna last Wednesday at bumilib naman kami kay Cristine Reyes sa ipinakita niyang husay sa action.

Ang angas ng portrayal niya bilang Maria/Lily, mabilis ang mga kilos at ang gandang panoorin ng porma niya on screen. In fact, hindi mo mahahalatang first action film niya ito kundi parang professional na action star na siya.

Sabi nga ni Cristine ay one month siyang nag-undergo ng extensive training para sa pelikulang ito at dapat ding papurihan ang kanyang trainor na si Sonny Sison for training her so well.

Kung tutuusin ay simple lang ang plot ng Maria na tungkol sa revenge dahil pinatay ng ex-bf niya (na ginagampanan ni Ivan Padilla) ang kanyang asawa’t anak.

Pero ang pagkaka-execute ng direktor na si Pedring A. Lopez at ang portrayal ni Cristine ang nagpaganda sa movie. Mabilis ang phasing, malinaw ang detalye at mahu-hook kang panoorin talaga.

Gusto rin namin ang part na hindi ni-reveal sa kwento kung ano ang relasyon nina Freddie Webb, KC Montero at Ivan at sa bandang ending na lang na-reveal although kung matalino kang viewer, mahuhulaan mo na rin ito sa kalagitnaan ng movie.

Mali ang sabi ni Cristine na wala siyang sexy scene sa movie or marahil, hindi nga ito sexy for her dahil hindi naman love scene actually. May shower scene ang aktres na ang ganda-ganda ng pagkaka-execute. May mga skin na nakita pero hindi nga senswal.

Hindi namin kinaya ang torture scene ni LA Santos. Very effective ang eksena to the point na tinakpan namin ang aming mga mata. Pero just the same, ang mga sigaw ng aktor ang naririnig namin at sobrang husay din naman niya sa eksenang ‘yun.

Gusto naming makita pa si Cristine sa isa pang action film after Maria dahil sa totoo lang, nabitin kami. We want to see more of her doing this, pero wala na, tapos na ang movie. Bitin din ang ending kaya parang nakakaamoy din kami ng part 2.

Sa husay ni Cristine sa Maria, pwede nang sabihin na a new female action star is born. Showing na ang Maria ngayong March 27.

vuukle comment

BEA ALONZO

CHARO SANTOS-CONCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with