Jessy lilipat na sa GMA?!

Jessy Mendiola

May blind items na may aktres daw from ABS-CBN na lilipat sa GMA-7.

Ang hula ng iba, si Jessy Mendiola raw ang aktres na ‘yon.

May tsika raw kasing nakipag-meeting na si Jessy sa mga taga-Kapuso network?

Naku, sana, malinaw ng kampo ni Jessy ang tsikang ‘yon.

Pero kaya bang iwan ni Jessy sa Kapamilya network ang boyfriend niyang si Luis Manzano?

Well, sana ma-clear ang tsikang ito.

At kung totoo man na lilipat nga sa Siyete si Jessy, sana ay maging bongga ang career niya roon, ‘noh!

Lolit sa IBC unang kumita ng milyones

Ang dialogue ni Manay Lolit Solis kahapon sa presscon ng IBC-13 at ni Ms. Kat de Castro na sa nasabing TV network niya kinita ang kanyang unang milyon.

Marami ring naging shows noong araw sa Trese si Manay Lolit.

Siyempre, ang Scoop ang unang showbiz talk show ni Manay Lolit!

May balak nga pala si Kat na i-revive ang showbiz talk shows.

Pinaplano na nila na magkaroon ng bagong showbiz talk show ang Trese na ngayon ay kilala na sa bansag na Kaibigan network.

Welcome nga pala sa Trese ang lahat ng mga gustong mag-blocktime.

Bukas naman ipapalabas ang TV special/docu nila tungkol sa 60th anniversary ng IBC-13.

Bale mapapanood ‘yon ng 9:30PM at kasama si Manay Lolit sa mga dating taga-Trese sa mga nainterbyu nila!

Pero tinanggihan sa selfie actor/politician, nakasabay mag-workout sa abroad ang ISANG former president!

Mahilig si actor/politician na mag-gym.

Kahit nasa abroad siya, hindi niya ginagawang dahilan ‘yon para hindi makapag-gym.

Minsan, habang nasa gym, nagulat si actor/politician dahil katabi niya sa treadmill ang former president ng bansang ‘yon.

Nakipag-usap siya at sobrang bait daw.

Naisip ni actor/politician na sasamantalahin na niya ang pagkakataon na ‘yon para magpa-picture kasama ang former president ng bansang ‘yon, pero tinanggihan siya.

Maya-maya lang, nagsilapitan na ang guards ng former president at lumayo na lang si actor/politician.

“Hindi ko na ikinukuwento na nakasabay ko siya sa gym kasi wala naman akong patunay at hindi nga nagpa-picture,” sey na lang ni actor/politician.

Beauty queen/actress at kaibigang comedian, hindi nakalusot sa pangde-denggoy sa Pinay na nakatira sa London

‘Kaloka naman ang beauty queen/actress na ito.

Aba, nalaman lang niya, pati na ng kaibigan niyang comedian, na mayaman ang isang Pinay na taga-London, sobrang kinukumbinsi na pala ng dalawa ang taong ‘yon na mag-produce ng pelikula.

Ang sabi raw ni beauty queen/actress sa mayamang Pinay, tutal ay from rags to riches ang buhay nito, maghanda raw kung isasapelikula.

Pero si Pinay naman, mautak, kaya hindi siya basta-basta nagpabola kay beauty queen/actress at sa comedian.

Sabi nga raw ni Pinay, “Hindi naman ako yayaman kung hindi ako mautak, kaya hindi ako puwedeng basta mabola, ha!”

Well, tama!

Show comments