Julia hindi pa rin nagpaparamdam

Julia Montes

Bagong pasok sa bahay ni Kuya sa kasalukuyang on­going Pinoy Big Brother (PBB) Otso ang aktor na si Aljur Abrenica. Inaabangan na ng mga follower ng PBB Otso, yes, kabilang na kami, kung ano ang kanyang role dun.

Huling napanood si Aljur sa seryeng Asintado na pinagbidahan ni Julia Montes.

Speaking of Julia, how come hindi rin siya, kahit “banaag” man lang napapanood sa tv?

True bang nasa Germany pa siya to visit her German Dad?

Tanong lang.

Pamangkin ni Pia mas type maging dinosaur kesa maging beauty queen

Guess Salve A. kung paano nag-react si Melai Cantiveros sa naging sagot sa kanyang tanong ng four year-old pamangkin ni former Miss Universe Pia Wurztbach na si Lara nang mag-guest sila sa Magandang Buhay, na hino-host ni Melai kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Ang tanong: What would you want to be, Lara, when you grow up, since you said you love and idolize your auntie Pia so much?

Ang batang si Lara ay pamangkin ni Pia sa kanyang nakababatang kapatid at British partner nito.

Kaya, you can imagine how pretty and smart the girl is. Bale ba, marunong siyang mag-Tagalog.

Kaya, of course, ang inaasahang magiging sagot ni Lara sa kanyang tanong, at nang manonood ay maging beauty queen din.

In any case, ito ang naging sagot ni Lara na ikinaloka ni Malai: “I want to be a dinosaur.”

Well.

Marco mas gusto sa Pilipinas

Nice, nice ang reaction ng former Pinoy Big Brother (PBB) alumnus na si Marco Gallo sa mga nababasa niyang reviews about his comeback.

Nasa cast si Marco ng currently showing co­medy romance film na Familia Blandina, na tinatampukan ni Karla Estrada. Sari-saring comment ang nababasa niya tungkol sa performance niya sa pelikula.

Ayon kay Marco ay mas gusto raw niyang mag-stay dito. Bukod sa gusto nga niya kasing ipagpatuloy ang pag-aartista, he wants to eventually learn about movie making.

Ilan sa hinahangaan niyang director ay si direk Jerry Lopez Sineneng, na siyang director na Familia Blandina, at si Cathy Garcia Molina.

“I’ve seen several of her movies,” ani Marco tungkol kay direk Cathy. “Sana, I get the chance to work with her in the future.”

Nadine agenda na makapag-record ng album

Bukod sa pag-arte, isa sa agenda ni Nadine Lustre ay ang makapag-record ng album.

One should remember that before naging busy sa acting si Nadine, she was first a dancer and singer. Kaya nga marami ang nagtataka kung bakit ‘di siya ang umawit ng theme song ng kanyang soon-to-be released movie with Carlo Aquino and Marco Gumabao na Ulan, directed by Irene Villamore.

As a singer, Nadine is under contract sa record label na pag-aari ng kanyang boyfriend na si James Reid, Careless Music Manila.

Samantala, si Nadine ay napiling maging brand ambassadress ng isang sikat na international clothing line para sa kanilang summer collection.

Show comments