Rita Daniela
Rita hindi raw cinematic ang pangalan
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayaw magpaawat sa acting ni Rita Daniela kay Ken Chan sa seryeng My Special Tatay.

Mahaba ang naging dialogue nito nang ipagkalat na isa siyang pokpok sa serye. Nagpasikat siya nang husto.

May nagkomento lang na parang hindi ci­nematic ang pangalan niyang Rita Daniela na parang pangalan daw ng isang komedyana o pangalan ng empleyado sa gobyerno.

Dating producer na si Mila Pascual kinalimutan na ng mga pinasikat

Masaya ang El Niño producers noon sa Escolta na si Mila Pascual na tatakbong konsehal ang anak na si Vincent Pascual Abella sa Bayan ng Jaen, Nueva Ecija.

Hilig daw ng anak niya ang pulitika kaya hindi niya ito pinipigilan.

Maraming napasikat na artista noong araw si Mila. Nakakalungkot lang na wala nang nakakaalala sa kanya nung siya ay mag-birthday.

Naku, bago pa ba ‘yan sa showbiz? Luma na ‘yan lalo na kapag napakinabangan ka ng aspiring stars na nagkapangalan.

Dating birtud sa drama naibalik ng Onanay

Mistulang Sampaguita Pictures ang tema ng Onanay starring Nora Aunor at Jo Berry.

Ang serye ay tungkol sa magkapatid na nag-aaway at mga panghahamak sa mahihirap na kagaya ng ginagawa ni Cherrie Gil kina Nora at Onay (Jo).

Maidadagdag mo rin ang imposibleng pag-iibigan nina Wendell Ramos at Onay.

Marami ang nakaka-relate sa naturang istorya. Iba talaga si Direk Gina Alajar, ibinabalik niya ang mga dating birtud ng mga artista noong araw.

Personal…

Birthday greetings sa mga month of March celebrants na sina Maricel Soriano, Jimmy Fabregas, Maine Mendoza, the late Rudy Fernandez, at Ryan Eigenmann.                                                     

RITA DANIELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with