Empress
Empress Schuck nadenggoy na rin ng ex na taga-showbiz
Joe Barrameda (Pang-masa) - February 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa Hiram Na Anak ay isang babaeng gagawin ang lahat para sa pag-ibig, kahit pa ang manakit ng pisikal, ang papel ni Empress Schuck bilang si Wena. Si Wena ay kinaliwa ni Benjo (Paolo Contis) para patulan si Dessa (Lauren Young).

Naitanong kay Empress sa tunay na buhay kung naranasan na ni Empress na kaliwain ng lalaki at sagot nito, “Oo…” Pero hindi niya ito tinaga sa kamay, tulad ng isang eksena sa Hiram Na Anak sa pagitan nina Wena at Benjo. 

Sa tanong kung taga-showbiz ba ang naturang lalaki ay ngumiti lamang si Empress. 2014 raw ito nangyari. Nag-walkout lamang raw si Empress nang nabisto niya na niloloko siya ng natu­rang showbiz guy. 

“Nahuli ko sa text,” kwento ni Empress. Ayaw i-reveal ni Empress kung sino ang taga-showbiz na ito. “Secret, e. Siyempre for his privacy, huwag na.And for the respect na lang of my partner,” dagdag pa ng aktres.

Karelasyon ngayon ni Empress si Vino Guingona at may anak na sila, ang tatlong taong gulang na si Athalia. Hindi na rin daw sila naging magkaibigan ng naturang lalaki. Kapag kinaliwa si Empress ng isang karelasyon ay nakikipaghiwalay na siya agad dito at wala ng balikan. 

“Wala ng second chance once na nag-cheat ka sa akin, wala na. 

“Kasi hindi ako naniniwala sa mga ... pag cheater, basta once a cheater, always a cheater. 

“For me ha, iyan po ang opinion ko, e. “Takot ako e [na masaktan], so huwag na lang.”

 Ngayon, sa piling ni Vino ay maganda at smooth-sailing ang lovelife ni Empress.

Samantala, napapanood na sa GMA simula noong Lunes ang Hiram Na Anak na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi as Miren with Dion Ignacio as Adrian. 

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. nasa serye rin sina Empress, Lauren Young (as Dessa), Leanne Bautista (as Duday), Vaness del Moral (as Alma), Rita Avila (as Hilda), Sef Cadayona (as Vince), Maey Bautista (as Engke) at Paolo Contis (as Benjo)

Mga aktres bantay-sarado ang mga papa sa sabungan

Nakakaloka ang mga aktres na ito na wala raw ginawa kundi tumambay sa isang sikat na sabungan para bantayan ang kanilang mga papa. Dahil madalas manalo ang mga papa ay agad naambunan ang dalawa.

Merese makita sila ng mga utak basta mananagana sila. Talbog !!!

Alden Richards at Kathryn Bernardo pinipilit

Hindi pa rin mamatay matay ang chika na pagtatambal diumano nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa isang pelikula. Ayaw ng masalita ng mga namamahala sa career ni Alden.

Ang alam nila ay may gagawin movie si Alden pero hindi pa sure kung anong project. Gaya nila ay wait na lang tayo kung anong project gagawin niya. Noon pa man ay sinabi na ng mga management ni Alden na sa movie muna ito focus bago ang bagong teleserye.

EMPRESS SCHUCK LAUREN YOUNG PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with