Barbie & Mika
Barbie & Mika
Barbie at Mika susubukang gibain ang Probinsyano
Joe Barrameda (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Six years old palang si Paul Salas nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. Sa Starstruck Kids siya nagsimula kasama sina Bea Binene, Miguel Tanfelix at iba pa. Kailan lang ay nagkaroon daw sila ng reunion pero hindi nakadalo si Sam Bumatay sa anong kadahilanan pero babawi daw ito. Matagal din sa ABS-CBN si Paul at doon na nagbinata at ngayon ay balik-GMA.

Sa pagbabalik ni Paul sa GMA ay nabigyan agad siya ng lead role sa Kara Mia na ngayon palang ay maingay na maingay sa social media at marami ang gumagaya sa itsura nina Kara at Mia. Kaya malamang ito na siguro ang gigiba sa Ang Probinsyano lalo na si Barbie Forteza ang isa sa mga lead ng fantaserye.

Maganda ang cast ng Kara Mia gaya nina Carmina Villaroel at John Estrada plus Glydel Mercado bukod kina Barbie, Mika dela Cruz, Paul at Jak Roberto. Matagal nang magsyota sina Barbie at Jak at malaki ang tiwala ng mga magulang ni Barbie kay Jak. Kaya ayaw niyang masira o mawala yun. Atleast open ang relasyon nina Barbie at Jak at masuwerte sila na sila ang pinagtambal sa isang teleserye. Kampante na sila sa isa’t isa. Ang disadvantage nga lang ay hindi na puwede o mahirap i-partner sila sa iba since open nga ang relasyon nila. Kaya hanggang dun na lang sila at mahirap ng mag-ambisyon na itambal sa iba.

Wala naman problema kay Paul at okey silang apat. Nakita niya ang closeness nina Barbie at Jak at swak na swak daw. Ang dalawa habang sila ni Mika ay close as a friend since kabataan pa nila ay nagtambal na sila. Kaya kampante na rin sila sa isa’t isa.

Ang Kara Mia ay magsisimula na ngayong Lunes, Feb 18 after 24 Oras.        

BARBIE AT MIKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with