^

Pang Movies

Jolo ayaw ungkatin ang lagay ng puso

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jolo ayaw ungkatin ang lagay ng puso

Jolo Revilla’s mouth is sealed kapag tinatanong kung may ipinalit na nga siyang ibang babae sa dating girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Kumakalat kasi ang balitang ka-on niya nga­yon ang isang runner-up sa isang national beauty contest.

Right now daw, focus siya sa kanyang kandidatura for re-election sa mid-term election this May, as he wants to serve for another term as Vice Governor ng kanilang probinsiya.

Lalong ayaw mag-comment siyempre ni Jodi, who is currently busy with a new teleserye, titled Mea Culpa, with Bela Padilla.

Bong ayaw pag-usapan ang pagkandidato

Excited si former Senator Bong Revilla sa darating na Valentine’s day, not for him, he said, but for wife of more than 30 years, Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Dito na lang daw sila uli makakapag-celebrate ng Valentine’s day matapos ang more than four years na pagkakakulong ni Bong sa Custodial Center ng Camp Crame.

“Kaya, dapat lang na maging memorable,” ani Bong na ngiting-ngiti.

Bong had the chance to freely talk with the entertainment media he invited sa thanksgiving party, which he tendered sa Annabel’s Restaurant on Tomas Morato last Tuesday.

Itinaon niya raw talaga ang kanyang pa-blow out sa Chinese New Year.

Samantala, mas pinili na lang ni Bong na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa kanyang pagtakbo bilang re-electionist as senator sa May 2019 elections. Mas gusto niyang pagkuwentuhan ang pagbabalik niya sa local film industry at sa mga nangyayari rito.

Yes, marami na raw siyang nakausap na taga-pelikula na pawang nalulungkot sa waring ‘di pagtangkilik ng manonood sa mga pelikulang Pilipino na ipinalalabas lately.

Inamin ng kapatid ni Bong na si Andeng Ynares, who by the way, is running for Antipolo City Mayor in this year’s mid-term election na ‘di nga gaanong kumita ang ipinrodyus nilang movie for their production, ang Tres, which starred three of Bong’s sons, Bryan, Luigi and Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Jaclyn ‘di pa nakaka-face to face ang tatay ng pinagbubuntis ni Andi

Quiet din si Jaclyn Jose sa kalat na kalat nang balitang pregnant for the second time ang kanyang unica hija na si Andi Eigenmann.

This time, ang balitang father ng dinadala ni Andi ay ang surfer na si Philmar Alipayo, na hindi pa pala face to face na nakilala ni Jaclyn.

Kung sabagay, it took a while rin bago nabunyag ang katotohanan kung sino talaga ang father ng panganay ni Andi na si Ellie, now seven years old.

Ellie’s dad is Jake Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez.

Mahal na mahal ng pamilya ni Jake si Ellie.

Ria all the way kina Arjo at Maine

Medyo tumaba na naman si Ria Atayde, anak ng aktres na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid naman ng aktor na si Arjo Atayde.

Kitang-kita ang ebidensiya nang mag-guest siya sa game program ni Luis Manzano na Minute To Win It, The Last Man Standing.

Ganunpaman, there’s no doubt though, na maganda si Ria at magaling na artista, tulad nina Sylvia at Arjo. Sayang nga lang at lately, ‘di siya napapanood sa seryeng Halik, kung saan she pits talent with Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Christian Bables.

May online feature film din itong si Ria.

Meanwhile, nanatiling suportado naman nina Ria at Sylvia si Arjo sa continuous na pambu-bully ng mga follower ni Maine Mendoza, who seems na mas type nila ito for Alden Richards kesa kay Arjo.

Well, matanong nga sila: Kailan ba natuturuan ang puso?

And did they hear the report na may ibang babaeng laman ng kanyang puso si Arjo? At ito’y ‘di si Maine.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with