Janine Gutierrez
Janine ayaw ng kapatid kay Lotlot at bagong asawa
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 4, 2019 - 12:00am

Hindi okey kay Janine Gutierrez na magkaroon ng bagong kapatid sa nanay niyang si Lotlot de Leon na kakakasal pa lang sa Lebanese-business na si Fadi El Soury at kahit sa tatay niyang si Ramon Christopher.

“Huwag na, maghintay na lang sila ng apo, hindi sa akin, pero sa mga kapatid ko,” sey ni Janine sa pa-group interview sa kanya para sa pelikulang Elise na magbubukas na sa mga sinehan ngayong Wednesday.

Teka! May girlfriend ba ang tatay niya?

“Ang alam ko, wala. Wala naman kasi siyang ipinakikilala sa amin,” sagot niya at in-explain din na mukhang hindi talaga totoo ‘yung tsikang nag-reconcile ang tatay niya at ang ex-girlfriend nito na si Tina Paner.

Mukhang biruan lang daw talaga ‘yung tsikang ‘yon tungkol kina Monching at Tina.

Samantala, hindi naman ako magtataka kung sa premiere night bukas ng Elise sa Gateway mall ay hindi na makapunta ang rumored-boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz.

Namatay kasi ang nanay ni Rodjun noong Sa­turday.

Bumuhos nga ang pakikiramay ng mga taga-showbiz kay Rayver at sa  kuya niyang si Rodjun nang mabalitang pumanaw na si Elizabeth Cruz o mas lalong kilala sa showbiz bilang si Mommy Beth.

Samantala, may isang malapit kay Rodjun ang tinanong ko kung matutuloy ba ang kasal ng hunk actor ngayong December sa fiancé niyang si Dianne Medina dahil sa biglaang pagkamatay ni Mommy Beth, pero hindi pa raw niya natatanong si Rodjun dahil sobra pa itong nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang nanay.

Cancer ang dahilan ng pagyao ni Mommy Beth.

Kahapon nga pala ay ka-text ko si Janine at sinabi niyang nakapunta na siya sa burol sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Noong November 25 nga pala ay nagkita pa kami ni Mommy Beth sa The Peninsula Manila kung saan ay kasama niya si Rodjun.

Mukhang masigla pa si Mommy Beth that time.

Sa pamilya Cruz, ang aming taos-pusong pakikiramay!

Ruffa di pa nakaka-recover sa biyahe

Nakabalik na ng bansa si Ruffa Gutierrez mula sa isang linggong pagbabakasyon sa Los Angeles, California at Cabo, Mexico.

Tiyak na maraming kuwento si Ruffa tungkol sa birthday party ng former sexy actress turned talent manager na si Jessica Rodriguez na nagyaya sa kanila roon.

Hanggang kahapon, may jetlag pa si Ruffa, kaya hindi ko pa siya nakakakuwentuhan doon sa happenings nila roon.

Nakasama rin nila roon si Samantha Lopez.

Noong magkausap nga kami ni Annabelle Rama, tinanong ko siya kung nagkita na ba sila ng kanyang panganay, pero hindi pa ang sagot niya.

Actually, kapag galing talaga sa Amerika ay ang tindi ng tama ng jet lag.

Si Manay Lolit Solis nga na nanggaling sa Las Vegas, Nevada kamakailan ay umabot ng one week bago naka-recover sa jet lag, huh!

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with