^

Pang Movies

Binuko ni Janine Gutierez, Enchong Dee certified budgetarian!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Binuko ni Janine Gutierez, Enchong Dee certified budgetarian!

BUDGETARIAN ang tawag ni Janine Gutierez kay Enchong Dee. Basta bibiyahe raw siya, si Enchong agad ang tinatawagan niya.

“Actually, ‘yung plano ko sa trip ko sa States at sa Japan, tine-text ko si Enchong kasi siya ‘yung may travel books at super-super approachable. I think sa Elise, may ibang side siyang ipapakita,” saad ni Janine nang makausap ng press para nga sa nasabing pelikula nila.

Teka, hindi naman siguro kuripot ang ibig sabihin ng budgetarian, huh!

“Nalibre na ba ako ni Enchong?” tanong ng young actress. “Pero nagregalo na ‘yon ng pagkain kaya love ko talaga,” dagdag niya.

Kumusta naman ang siya ngayon ang Mom (Lotlot de Leon) at Dad (Ramon Christopher) niya ngayong may bagong asawa ang mother niya?

“Well, medyo mahirap lang sa simulang magplano. Parang events planning siya eh. Tatanong mo kung sino mas libre ng New Year, ng Christmas. Paano hahatiin?

“Masuwerte po kami dahil nandiyan pa rin ang parents namin. Kailangan lang naming mag-adjust.

“Suwerte po ngayon na nagkakilala na si Papa at s Fadi, asawa ni Mama. Nakapag-dinner na rin kaming nandoon na silang lahat. So thankful ako kina Papa at Mama dahil hindi niya ipinagdamot yung kumpleto kami.

“Parang nadagdagan lang kami ng Tito,” paliwanag ni Janine.

Eh, wala pa siyang bagong Tita?

“Wala po eh. Wala talaga. Parang tsismis lang ‘yung nagkabalikan sila ni Tina Paner,” tugon ng young actress.

Edgar Allan nilayasan ang manager na humubog?!

Lumayas na si Edgar Allan Guzman sa poder ni Noel Ferrer at certified Kapuso artist na siya.

Teka, pang-ilang lipat na ito ng manager ni EA?

Basta ang alam namin, hinubog ni Noel ang pagi­ging mahusay na aktor ni EA, huh!

What happened? Dahil kaya Kapuso rin ang girlfriend niyang si Shaira Diaz?

May bagong series na gagawin ni Edgar sa Kapuso network.

vuukle comment

ENCHONG DEE

JANINE GUTIEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with